2-taong probationary period, lalong magpapalala ng kahirapan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 361 total reads

Nasasaad sa banal na kasulatan sa Kawikaan kabanata 22 talata 16 na ang umaapi sa mahihirap para magpayaman ay mauuwi rin sa karalitaan.

Ito ang babala kapag naging batas ang panukalang 2-taong probationary period sa mga manggagawa mula sa kasalukuyang anim na buwan na mariing tinututulan ng Filipino Nurses United.

Iginiit ng grupo na ang nasabing hakbang ay magpapalala sa kalagayan ng mga manggagawa kabilang na ang mga health worker na kasalukuyang nakaranas ng overworked.

“The Filipino Nurses United, a national organization of nurses in public and private sectors, vehemently opposes the extension of the probationary period of workers from six months to two years. This bill will further aggravate the deteriorating work conditions of thousands of workers including health workers and nurses who are at present already overworked and underpaid.”pahayag ng grupo

Ang House bill no. 4802 ni Probinsyano Partylist Representative Jose Singson Jr. na naglalayong gawing 24 na buwan ang probationary period upang higit na makilatis ng mga employer ang mga empleyado.

Iginiit ng FNU na ang mga nurse sa ilalim ng probationary period ay kadalasang nakatatanggap ng mas mababa sa minimum wage at walang benepisyo.

Sa pampublikong pagamutan nasa pagitan ng 18, 000 hanggang 20, 000 piso ang sahod kada buwan habang sa pribadong ospital naman ay nasa 8, 000 hanggang 10, 000 piso lamang ang tinatanggap na lagpas sa walong oras ang pagtatrabaho.

Sinabi ng FNU na ang nasabing halaga ay malayo sa 36, 000 pisong living minimum wage para sa pamilyang may anim na kasapi na labis magpapahirap sa manggagawa.

Nauna nang tinutulan ng Simbahang Katolika ang panukala ni Singson na sinasabi ni CBCP-NASSA/Caritas Philippines Executive Secretary Fr. Edu Gariguez na hindi makatarungan at lalong magpapalala lamang sa kontraktuwalisasyon sa bansa.

Nanindigan ang grupo ng mga nurse na sapat ang pagiging pasado sa Nursing Licensure Examination upang patunayan na hindi na kinakailangan ang dalawang taong probationary period.

“The truth is that nurses do not need two years of probationary period in order to prove their value to the employer. Registered Filipino nurses have passed the Nursing Licensure Examinations (NLE), a proof that their extensive undergraduate training has provided them the essential skills, talents and qualifications to work in any health or health-related nursing jobs.”paglilinaw ng FNU

Sa Populorum Progressio ni Saint Paul VI, inihayag nito na kasabay ng pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa ang pagsulong sa mamamayan kabilang na ang pagbibigay ng wastong pasahod at benepisyo sa mga manggagawa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 12,444 total reads

 12,444 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 47,273 total reads

 47,273 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 83,755 total reads

 83,755 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 101,967 total reads

 101,967 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 185,659 total reads

 185,659 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top