Pamilya ng mga nasawi sa Taiwan bridge tragedy, hinimok na manalig sa panginoon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 449 total reads

Hinimok ni Balanga Bishop Ruperto Santos ang mga naulilang pamilya ng mga manggagawang Filipino na nasawi sa trahedya sa Taiwan na huwag mawalan ng pag-asa bagkus ay patuloy na manalig sa Panginoon.

Sa pagninilay ng pinuno ng CBCP – Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People (CBCP-ECMI) sinabi nitong dapat palakasin ng pamilya ng 3-Filipinong mangingisda na nasawi sa pagbagsak ng tulay sa Yilan Taiwan.

Pinaalalahanan ni Bishop Santos ang mga pamilya na si Hesus ang gumagabay sa paglalayag sa buhay sa mundo katulad ng ginagampanan ng mga kapitan ng barko.

“In this moment of loss and misfortune let us not lose our sight on God, set our vision to God, turn always to Him and trust Him all the more. Be strong as we sail on this sea of life know that Jesus is also captain of ship, much more captain of souls,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ginugunita sa misa ang mga kaluluwa nina Andree Abregana Serencio, Romulo Illustrisimo Escalicas at George Jagnis Impang sa Holy Rosary Cathedral sa Kaohsiung Taiwan.

Dumalo rin sa misa si Labor Director Rustico Dela Fuente at mga opisyal ng MECO kasama ang 14 na mga dayuhang pari at mga Filipinong komunidad sa Taiwan.

Ipinanalangin ni Bishop Santos ang katatagan ng bawat pamilya at nagpapasalamat din ito sa mga institusyon, grupo at sa pamahalaan ng Pilipinas na tumulong sa pamilya ng mga biktima ng Yilan Bridge Tragedy.

“We prayed for eternal repose of their souls, appeal for God’s grace and strength for the bereaved families and also express our gratitude and appreciation for the valuable help and gracious assistance extended government officials and Manila Economic and Cultural Office in Taiwan,” ani ni Bishop Santos.

Magugunitang unang araw ng Oktubre ng bumagsak ang Nanfangao Bridge ng Yilan kung saan nakahimpil sa ilalim nito ang ilang sasakyang pangisda kung saan 6 ang nasawi; 3 Filipino at 3 mangingisdang taga – Indonesia habang higit sampung katao naman ang nasugatan sa insidente.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 14,836 total reads

 14,836 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 49,523 total reads

 49,523 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 86,005 total reads

 86,005 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 104,217 total reads

 104,217 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 187,778 total reads

 187,778 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top