Pagiging tapat sa tungkulin, legacy ni Nene Pimentel

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 630 total reads

Ikinalungkot ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. ang pagpanaw ni dating Senate President Aquilino Pimentel dahil sa hindi matatawarang paglilingkod nito sa bayan.

Ayon kay Bishop Bacani, nakapanghihinayang ang pagpanaw ng dating mambabatas na isa sa mga opisyal ng pamahalaang tapat sa tungkulin at tunay na nagmamalasakit sa Pilipinas.

“Sen. Pimentel was one of the fast vanishing breed of politicians in public officials who exemplified honesty and courage in public service,” pahayag ni Bishop Bacani sa Radio Veritas.

Kinilala si Pimentel bilang ‘Father of Local Government’ makaraang ipagtanggol ang enactment sa Local Government Code noong 1991 upang palakasin ang mga lokal na pamahalaan na isa sa mga pundasyon sa matatag na demokrasya.

1971 naging bahagi si Pimentel sa Constitutional Convention subalit naipakulong dalawang taon ang nakalipas dahil sa pagiging kritiko ng administrasyon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos kasabay ng pagpatupad ng batas militar sa buong bansa.

Itinatag ng namayapang mambabatas ang Partido Demokratiko Pilipino (PDP) noong 1982 at nakipagkaisa sa partido ni dating Senator Benigno Aquino Jr. na Lakas Bayan noong 1986 makaraang lumaya ang bansa mula sa martial law.

Nagluksa rin ang mga opisyal ng Pilipinas sa pagpanaw ni Pimentel sapagkat itinuturing itong tagapaggabay sa kanilang paglilingkod sa mamamayan.

Samantala, umaasa si Bishop Bacani na tularan ng mga lingkod bayan ang mga halimbawa ni Pimentel na buong pusong nagserbisyo sa mga Filipino sa mahabang panahon.

“May his fellow politicians who extol him emulate his selflessness and I condole with his beloved wife and family and pray with them for the eternal rest of Nene Pimentel,” ani ng Obispo.

Nakiramay din ang obispo sa naulilang pamilya at tiniyak ang mga panalangin para sa katatagan nito sa pagpanaw ng kanilang padre de pamilya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 46,015 total reads

 46,015 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 125,844 total reads

 125,844 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 159,291 total reads

 159,291 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 194,589 total reads

 194,589 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 419,361 total reads

 419,361 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top