Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Santo Rosaryo, isang bibliya sa anyo ng kuwintas

SHARE THE TRUTH

 441 total views

Ang pagdarasal ng Aba Ginoong Maria sa Santo Rosaryo ay hindi kailanman maituturing na paulit-ulit.

Ito ang inihayag ni Lingayen, Dagupan Archbishop Socrates Villegas ngayong Oktubre na buwan ng Banal na Rosaryo.

Ayon sa Arsobispo, ang bawat Aba Ginoong Maria sa mga misteryo ng Rosaryo ay maihahalintulad sa rosas na alay bilang pagpapakita ng pagmamahal sa Mahal na Birheng Maria at sa kanyang anak na si Hesus.

“It is never redundant, it is never repetitious, it is never too much to repeat the Hail Mary in every mystery of the Rosary because every Hail Mary is a rose of love to the virgin Mary and to Jesus her son.” Pahayag ni Abp. Villegas.

Ipinaliwanag pa ni Abp. Villegas na ang rosaryo ay ang bibliya sa anyo ng isang kuwintas, at ang bawat misteryo nito ay ang salita at buhay ni Hesus na pinagninilayan sa pananalangin.

“The Rosary is Holy Bible in beads, the Holy Rosary is the word of God, the life of Jesus in the beads. So when we reflect on the mysteries of the Rosary we are actually reflecting on Jesus Himself, on the life of Jesus and we want that life to be ours.” Dagdag pa ng Arsobispo.

Ngayong darating na biyernes ika-25 ng Oktubre, isasagawa ng Aid to the Church in Need Philippines ang kampanyang 1 Million Children Praying the Rosary.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Archbishop Villegas na ang kapangyarihan ng Santo Rosaryo ay nasa kamay ng mga mananampalatayang nananalangin at umaasa sa Mahal na Birhen.

Aniya, sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagdarasal ay makikita natin ang mga pagbabagong hinihiling, at makakamit ang kapayapaan sa daigdig.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 32,562 total views

 32,562 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 43,692 total views

 43,692 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

50-PESOS WAGE HIKE

 69,053 total views

 69,053 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 79,466 total views

 79,466 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 100,317 total views

 100,317 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 4,368 total views

 4,368 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 160,767 total views

 160,767 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 104,613 total views

 104,613 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top