Political will, kailangan sa pagpapaunlad ng renewable energy sa bansa.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 360 total views

Mahalaga ang balanseng pagtugon na gagawin ng pamahalaan sa power industry ng bansa at sa magiging kalagayan ng kalikasan.

Ito ang binigyang diin ni Apostolic Vicariate of Puerto Princesa Palawan Bishop Pedro Arigo.

Ayon kay Bishop Arigo, nararapat na isa-alang-alang ng gobyerno ang magiging epekto sa kalikasan ng mga coal fired power plants na kasalukuyang ginagamit ng bansa bilang pangunahing pinagkukunan ng enerhiya.

Dagdag pa ni Bishop Arigo, labis ang duming idinulot ng ganitong klase ng enerhiya at tiyak na makasasama ito sa kalusugan ng mamamayan at makasisira sa kalikasan.

“Kung anuman ang plano ng gobyerno to address the power [industry] na ito, tulad ng panawagan ni Pope Francis kailangan natin ay balance sa protection ng environment, at ang Pilipinas ay napaka laki ng potential sa renewable energy.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Magugunitang bago matapos ang termino ni dating pangulong Benigno Aquino III ay nilagdaan nito ang commission resolution 2016-001 na naglalayong siyasatin ang mga coal power plant sa bansa, at pag-ibayuhin ang paggamit sa renewable energy.

Dahil dito, umaasa at nagdarasal si Bishop Arigo na magkaroon ng Political Will ang bagong administrasyon upang maipagpatuloy at tunay na maipatupad ang naunang pronouncement ni President Rodrigo Duterte na pauunlarin at gagamitin ang potential renewable energy ng Pilipinas.

“Ang problema natin sa gobyerno yung tinatawag na political will, sinasabi pero when it comes to implementation wala, kaya sana nga we hope and we pray na talagang hey will act sa mga sinasabi nilang mga promises.” Dagdag pa ni Bishop Arigo.

Sa ulat, 15 Megawatts Coal Fired Power Plants ang nakatakdang ipatayo ng DMCI Power Corporation sa lalawigan ng Palawan na tinagurian the last frontier.

Kung magpapatuloy ito, ayon sa Department of Energy ay magiging 80% hanggang 90% nakadepende ang Pilipinas sa maruming enerhiya.

Samantala ayon sa Laudato Si ng Kanyang Kabanalan Francisco, ang aspeto ng pagunlad ng Lipunan, pangangalaga sa kalikasan at pagpapahalaga sa mahihirap ay dapat pantay pantay na nabibigyang tugon ng pamahalaan.(Yana Villajos)

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 27,186 total views

 27,186 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 55,537 total views

 55,537 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 123,267 total views

 123,267 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 146,418 total views

 146,418 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 214,610 total views

 214,610 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,520 total views

 352,520 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top