228 total views
Susulat si dating Commission on Human Rights (CHR) chairman Loretta Anne Rosales sa dalawang kapulungan ng Kongreso upang ipabatid dito na hindi sila maaring maghain ng panukalang pagbabalik ng death penalty sa bansa.
Ayon kay Rosales, may commitment ang Pilipinas matapos itong lumagda sa Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights, aiming at the abolition of the death penalty.
Taong 2006 tinanggal ang parusang bitay sa Pilipinas.
Dagdag ng dating CHR chairman, kinakailangan malaman ng mga mambabatas na lalabagin ng Pilipinas ang kasunduang ito at posibleng mapatawan ng parusa ng mga bansang miyembro din nito.
“I am planning to write an open letter to the Philippine Congress (Senate and Kamara) lahat ng sinasabi ko sa inyo na ito ipaparating ko sa kanila at hopefully lahat mapadalhan ng kopya para mabasa nila at matuto sila. Sinasabi sa second optional protocol na bawal baguhin ang ating mag nasign-an na treaty like ina-abolish ang death penalty, infact you cannot witdrew your having sign the treaties about the abolition of death penalty and we abolished the death penalty and we have actually ratified the treatt the optional protocol, kaya hindi mo puwede gawin yun, if you do that, that will be a breach of contact and if there’s a breach of contract definitely sa UN yung mga bansa na members ng UN human rights council halimbawa gagawin nila magbibigay ng sanction sa PIlipinas like yung economic aid, o sa disasters, nagbibigay sila ng tulong pwede nilang iwithdraw ang lahat ng ito.” Pahayag ni Rosales sa panayam ng Radyo Veritas.
Una ng dumalo ang CHR sa 6th World Congress Against Penalty nitong June 21 hanggang 23 sa Oslo Norway at dito nililinaw ang kahalagahan ng buhay at ng karapatang pantao maging ng mga nahahatulan.
Ginaganap ang World Congress Against Death Penalty kada ikatlong taon at nang magsimula ito 18 taon na ang nakalilipas pitong mga bansa lamang ang nagtanggal ng parusang bitay na ngayon ay umabot na sa 140.
Sa social doctrine of the Church, ang kapatawaran pa rin ang dapat manaig at hindi ang pagpapataw ng parusang kamatayan sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen lalo na at hindi rin ito akma sa Christian values at nananatili ang Simbahan sa pagsunod sa utos ng Diyos na “Huwag Kang Papatay.”