Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mababang Gross Domestic Product target, naaayon lang sa global economic crisis.

SHARE THE TRUTH

 175 total views

Nauunawaan ng Ibon Foundation ang pagpababa ng target ng Duterte administration sa Gross Domestic Product ng bansa ngayong taon sa 6 hanggang 7 porsyento.

Ayon kay Sonny Africa, executive director ng Ibon, naka-apekto rito ang patuloy na nangyayaring global economic crisis lalo na sa pagkalas ng bansang Britanya sa European Union.

“Naging infavorable yung global economy dahil nga dun sa hindi pa nareresolba yung global economic crisis. Yung nangyari sa Britain halimbawa isang senyales talaga na matagal pa yung problema sa global economy sa tingin namin hindi surprising na binaba yung target,” bahagi ng pahayag ni Africa sa panayam ng Veritas Patrol.

Aminado si Africa na mahirap maabot ang mas mataas na GDP percentage na itinakda ng bagong administrasyon lalo na’t hindi nito napasigla ang lokal na ekonomiya at umasa nalang sa pangungutang sa ibang bansa.

“Inaasahan yung pagpapatuloy ng ating patakaran ay magbibigay ng mabilis na economic growth sa darating na taon. Dapat matauhan sila na kailangang baguhin ang patakaran para mas palakasin yung balangkas ng ekonomiya,” sambit pa ni Africa sa Radyo Veritas.

Binanggit na rin ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na binabaan nila ang sinabing target noong February 2016 ng Aquino mula 6.8 hanggang 7.8 percent sa 6 hanggang 7 percent na lamang dahil sa gagawin pang adjustment ng Duterte administration.

Nanindigan naman ang Simbahang Katolika na kaantabay ng pag – unlad ay ang ikagiginhawa ng nasa mahigit 12.1 milyong mahihirap sa bansa.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Huwag palawakin ang agwat

 11,041 total views

 11,041 total views Mga Kapanalig, gaya ng inaasahan, maraming tagasuporta ni dating Pangulong Duterte ang nagtipun-tipon sa kani-kanilang lugar para kundenahin ang pag-aresto at pagdadala sa

Read More »

Sementeryo ng mga buháy

 44,492 total views

 44,492 total views Mga Kapanalig, nasa kustodiya na ngayon ng International Criminal Court (o ICC) si dating Pangulong Duterte. Ilang araw lang pagkatapos siyang ilipad patungo

Read More »

Walang education crisis?

 65,109 total views

 65,109 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 76,531 total views

 76,531 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 97,364 total views

 97,364 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Uncategorized
Veritas Team

Ipadama ang malasakit sa COVID-19 positive

 10,432 total views

 10,432 total views August 13, 2020 Hinikayat ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo ang mga mananampalataya na ipadama ang pagmamalakasakit sa kapwa maging sila man ay

Read More »
Uncategorized
Veritas Team

Maging mahinahon!

 10,449 total views

 10,449 total views March 10, 2020, 1:25PM Hinikayat ng Archdiocese of Manila ang mamamayang Filipino na manatiling mahinahon sa kabila ng banta ng Corona Virus Disease.

Read More »
Economics
Veritas Team

TRAIN law, anti-poor

 37,659 total views

 37,659 total views Dagok sa mga mahihirap na Filipino ang tuluyang pagsasabatas ng tax reform program. Itinuturing ni CBCP Episcopal Commission on the Laity Chairman at

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top