‘Makakaahon din tayo’– mensahe ng Obispo sa mga nasalanta ng bagyong Ursula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 908 total reads

Huwag mawalan ng pag-asa at patuloy na manalig sa Panginoon.

Ito ang mensahe ni Borongan Bishop Crispin Varquez sa mga nasalanta ng Bagyong Ursula kasabay ng paggunita ng araw ng Pasko.

Ayon sa Obispo, anumang pagsubok sa buhay ay tuwinang malalagpasan sa tulong at paggabay ng Panginoon.

“Para sa lahat ng nasalanta ni Ursula message ko is HUWAG MAWALAN NG PAG ASA. MANALIG SA PANGINOON. Makakaahon din tayo,” ang bahagi ng pahayag ni Bishop Varquez sa panayam sa Radyo Veritas.

Ayon pa kay Bishop Varquez, personal niyang nasaksihan ang epekto ng Bagyong Ursula sa kanyang pag-iikot sa may 14 na parokya sa diyosesis na pinakanasalanta ng bagyo na magpahanggang sa ngayon ay wala pa ring linya ng komunikasyon.

“I visited 14 parishes yesterday badly hit by Typhoon Ursula. No signal until now sa areas badly hit by Ursula,” ayon sa obispo.

Bukod sa pagkasira ng maraming bahay sinabi rin ng Obispo ang mga tinamong pinsala ng isang Simbahan maging ang istruktura ng gusali at ang kumbento.

Ipinanalangin naman ni Bishop Varquez ang pitong nasawi sa pananalasa ng bagyo sa Eastern Samar.

“Many houses are destroyed. Mabuti isang church lang badly damaged ang roofing. The rest of the church building and convents were only partly damaged. As far as my info is concerned 7 people died in Eastern Samar. (1 natamay dahil natamaan sa yero, 1 nadaganan, 1 nalunod sa storm surge, 1 died of cardiac arrest, 3 fishermen died dahil nalubog ang boat nila dahil sa lakas ng alon),” dagdag pa ni Bishop Varquez.

Una na ring nagpaabot ng pakikiisa at panalangin ang Kanyang Kabanalan Francisco sa pinagdaraanang pagsubok ng lahat ng mga biktima ng Bagyong Ursula na may international name na Phanfone na nanalasa sa Pilipinas lalu na sa malaking bahagi ng Visayas.

Sa tala ang Bagyong Ursula na ang ika-21 bagyo na nakaapekto sa bansa mula sa karaniwang higit 20-bagyo kada taon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,335 total reads

 42,335 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,296 total reads

 122,296 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,743 total reads

 155,743 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,042 total reads

 191,042 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,960 total reads

 415,960 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top