Pasalamatan ang Panginoon sa biyaya ng panibagong taon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 911 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mananampalataya na patuloy manalig sa Panginoon sa pagpasok ng bagong taon.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng Episcopal Commission on Pontificio Collegio Filipino, dapat magpasalamat sa Diyos ang bawat isa sa nagdaang taon sa kabila ng mga pagsubok ay nalagpasan ito sa kabutihang loob at awa ng Panginoon sa sangkatauhan.

“A year has passed and we overpassed all difficulties, surpassed all trials; Yes there is pain and some problems yet we overcome them all. It is because of God. It is of God’s goodness,” pahayag ni Bishop Santos.

Sinabi ng Obispo na dapat purihin at kilalanin ng sanlibutan ang kabutihan ng Panginoon sa kabila ng pagiging makasalanan ng bawat isa at pasalamatan ang bawat biyayang ipinagkaloob sa tao.

Inihayag ni Bishop Santos na mahalagang pagtibayin ang pagtitiwala sa Diyos upang mapagtagumpayan ang mga pagsubok na maaring kakaharapin sa panibagong taon at iba’t-ibang hamong kakaharapin sa buhay.

“With this coming year let us first think of God, turn to Him and always trust Him; we don’t know what lies ahead of us, but we confidently rely on Him, with our plans we think of Him, with our projects we trust Him,” ani ng Obispo.

Binigyang diin ni Bishop Santos na ipagkatiwala sa Panginoon ang kaligtasan mula sa mga kalamidad at anumang pagsubok maging sa tinatamasang kasaganaan ng buhay.

Bukod dito ay pinaalalahanan ng Obispo ang mananampalataya na bukod tanging sa Diyos lamang nakasalalay ang tagumpay at hindi sa mga pamahiing nakaugalian ng mga Filipino sa pagsalubong ng bagong taon tulad ng paggamit ng paputok.

“Our blessedness, our successes are because of God. Our 2020 will be truly happy and prosperous because of God, not by firecrackers nor by 12 round fruits, not by noise. It is only of God, by God. And so let us on this New Year think, turn and trust God. Be thankful to this Year, turn and trust God on this New year!” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 43,269 total reads

 43,269 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 123,206 total reads

 123,206 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 156,653 total reads

 156,653 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,952 total reads

 191,952 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 416,841 total reads

 416,841 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top