Paggamit ng dahas ng PNP sa Traslacion 2020, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 575 total views

Kinondena ng Commission on Human Rights ang labis na paggamit ng puwersa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa katatapos lamang na Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, maituturing na kalabisan ang paggamit ng dahas ng mga kawani ng PNP laban sa mga deboto.

Partikular ding tinukoy ni Atty. De Guia ang paglabag sa kalayaan ng pamamahayag o Freedom of the Press na ginawa ng opisyal ng PNP laban sa mamamahayag ng isang television network.

“The Commission on Human Rights strongly condemns the unnecessary force exhibited by the Philippine National Police (PNP) during Traslacion on Thursday, January 9. The incidents in question are that of a police officer strangling a devotee of the Black Nazarene, and the subsequent treatment of GMA reporter Jun Veneracion. The use of excessive force was unnecessary, and the latter can be considered suppression of the freedom of the press.” pahayag ni de Guia.

Ipinaliwanag ni Atty. De Guia na itinalaga ang mga pulis sa Traslacion na isang gawaing pang-Simbahan na dinadaluhan ng publiko upang protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng mga mananampalataya at mga deboto.

Bukod dito, binigyang diin rin ni Atty. De Guia ang mahalagang responsibilidad ng media upang i-ulat ang katotohanan at tunay na nagaganap sa lipunan.

“Traslacion is a public event, where police are assigned to protect the people and to deescalate situations that could lead to violence; over a million Filipinos join this monumental event with the expectation that they were taken care of. The Filipino people deserve to be made aware of incidents that prove otherwise. The media has a responsibility to inform the public. Active threats and suppression of the press are not actions indicative of a healthy police force, and this type of behavior must be nipped at the bud.”pahayag ni de Guia.

Matatandaang sa pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay kanyang hinimok ang mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na amitin ang bawat kaloob ng Diyos sa tunay na misyon ni Kristo.

Paliwanag ng Cardinal, ilan sa mga kaloob na ito ay ang kaloob ng paghahayag na nararapat na gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan at hindi kabalintunaan.

Batay sa tala nasa 14,000 ang bilang ng mga kawani ng PNP, Armed Forces of the Philippnes at Bureau of Fire Protection ang itinalaga sa mga rutang daraanan ng andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 195,684 total views

 195,684 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 225,907 total views

 225,907 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 252,552 total views

 252,552 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 347,525 total views

 347,525 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 355,880 total views

 355,880 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top