Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pakikipagdayalogo, paiigtingin ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

 314 total views

Ang Simbahan ay regular na nakikipagdayalogo sa lahat ng sektor at miyembro ng lipunan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Carlos Reyes – dating Executive Secretary ng CBCP – Episcopal Commission on Interreligious Dialogue kaugnay sa tema ng panibagong paksa ng paghahanda para sa ika-500 taon ng Katolisismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples.

Tiniyak ng Pari na ang Simbahan ay walang humpay na nakikipagdayalogo sa buong mundo hindi lamang upang maibahagi ang Mabuting Balita ng Diyos kundi upang maisulong ang pangkabuuang pagkakaisa at kapayapaan.

“Kung titingnan natin ito po ay tungkol sa dialogue, ang Simbahan ay nakikipagdayalogo sa buong mundo, nakikipagdayalogo po tayo sa mga kapwa natin Kristyano tawag natin dun ay Ecumenism nakikipagdayalogo rin tayo sa mga hindi Kristyano at sa lahat ng tao tayo ay nakikipag-dialogue dahil sa ating pananaw si Hesus ay dialogue, dialogue siya ng Diyos…” pahayag ni Father Reyes sa panayam sa Radyo Veritas.

Naunang inihayag ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na mahalaga ang ‘dialogue’ para sa pagsusulong ng kapayapaan at pagkakaisa sa kabila ng pagkakaiba-iba.

Ipinaliwanag ni Cardinal Tagle na nasasaad sa Article 15 ng Lumen Gentium o Dogmatic Constitution on the Church na nakapaloob sa Vatican II na ang mga Katoliko ay nakaugnay sa iba pang mga Kristyano na hindi Katoliko.

Tema ng Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples ang “Dialogue Towards Harmony” na naglalayong maisulong ng pakikipagkapatiran sa pamamagitan ng pagsusulong ng kultura ng pakikipag-ugnayan tungo sa pangkabuuang kapayapaan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 15,988 total views

 15,988 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 29,948 total views

 29,948 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 47,100 total views

 47,100 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 97,318 total views

 97,318 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 113,238 total views

 113,238 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Volunteers, pinasasalamatan ng PPCRV

 15,625 total views

 15,625 total views Nagpaabot ng pasasalamat ang pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa lahat ng PPCRV volunteers sa buong bansa na masigasig

Read More »

SLP, pinaghahandaan ang ika-75 anibersaryo

 23,693 total views

 23,693 total views Pinaghahandaan na ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang pagdiriwang sa ika-75 anibersaryo nito sa darating na Oktubre, 2025. Ayon kay LAIKO National President

Read More »
Scroll to Top