Paggamit ng dahas ng PNP sa Traslacion 2020, kinundena ng CHR

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 656 total reads

Kinondena ng Commission on Human Rights ang labis na paggamit ng puwersa ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas sa katatapos lamang na Traslacion ng Mahal na Poong Hesus Nazareno.

Ayon kay CHR Spokesperson Atty. Jacqueline Ann de Guia, maituturing na kalabisan ang paggamit ng dahas ng mga kawani ng PNP laban sa mga deboto.

Partikular ding tinukoy ni Atty. De Guia ang paglabag sa kalayaan ng pamamahayag o Freedom of the Press na ginawa ng opisyal ng PNP laban sa mamamahayag ng isang television network.

“The Commission on Human Rights strongly condemns the unnecessary force exhibited by the Philippine National Police (PNP) during Traslacion on Thursday, January 9. The incidents in question are that of a police officer strangling a devotee of the Black Nazarene, and the subsequent treatment of GMA reporter Jun Veneracion. The use of excessive force was unnecessary, and the latter can be considered suppression of the freedom of the press.” pahayag ni de Guia.

Ipinaliwanag ni Atty. De Guia na itinalaga ang mga pulis sa Traslacion na isang gawaing pang-Simbahan na dinadaluhan ng publiko upang protektahan at tiyakin ang kaligtasan ng mga mananampalataya at mga deboto.

Bukod dito, binigyang diin rin ni Atty. De Guia ang mahalagang responsibilidad ng media upang i-ulat ang katotohanan at tunay na nagaganap sa lipunan.

“Traslacion is a public event, where police are assigned to protect the people and to deescalate situations that could lead to violence; over a million Filipinos join this monumental event with the expectation that they were taken care of. The Filipino people deserve to be made aware of incidents that prove otherwise. The media has a responsibility to inform the public. Active threats and suppression of the press are not actions indicative of a healthy police force, and this type of behavior must be nipped at the bud.”pahayag ni de Guia.

Matatandaang sa pagninilay ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle ay kanyang hinimok ang mga deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na amitin ang bawat kaloob ng Diyos sa tunay na misyon ni Kristo.

Paliwanag ng Cardinal, ilan sa mga kaloob na ito ay ang kaloob ng paghahayag na nararapat na gamitin sa pagpapahayag ng katotohanan at hindi kabalintunaan.

Batay sa tala nasa 14,000 ang bilang ng mga kawani ng PNP, Armed Forces of the Philippnes at Bureau of Fire Protection ang itinalaga sa mga rutang daraanan ng andas ng Mahal na Poong Hesus Nazareno mula Quirino Grandstand hanggang Quiapo Church.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 42,344 total reads

 42,344 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 122,305 total reads

 122,305 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 155,752 total reads

 155,752 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 191,051 total reads

 191,051 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 415,969 total reads

 415,969 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top