HIV-infected devotee, hiling ang kapatawaran sa Poong Nazareno

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 576 total reads

Umaasa ang deboto ng Mahal na Poong Hesus Nazareno na tuluyang makamtan ang espiritwal na kagalingan at kapatawaran ng mga pagkakamaling nagawa.

Ayon kay alyas ‘Allan’ 35 taong gulang na may Human Immunodeficiency Virus (HIV) mahirap para sa katulad niya ang makipamuhay sa lipunan sapagkat mababa ang tingin ng mamamayan.

“Sana ang sakripisyo kong ito ay sapat para patawarin ako ng Panginoon at maging ng pamilya ko,” pahayag ni alyas Allan sa Radio Veritas.

Paliwanag nito na itinakwil siya ng kanyang pamilya halos dalawang taon na ang nakalipas nang malaman na may taglay siyang HIV.

Bagamat may iilan na nakauunawa sa kanyang kalagayan mas umiiral pa rin ang diskriminasyon at panlalait na kanyang natatanggap maging sa mga kakilala.

Aniya, labis niyang pinagsisihan ang dating buhay na sumira sa kanyang kinabukasan at kasalukuyang inilaan ang kanyang mga oras sa pagdarasal sa Minor Basilica of the Black Nazarene dahil ito ang kanyang pamamaraan sa pagbabalik loob sa Panginoon.

“I always pray to God na sana darating yung time na gagaling ako at makabalik sa normal kung buhay,” ani ni Allan.

Batay sa 2019 report ng Joint United Nations Programme on HIV and AIDS (UNAIDS) tinatayang halos 80, 000 ang bilang ng mga taong living with HIV sa Pilipinas kung saan mahigit 19, 000 ay nasa 15 hanggang 24 na taong gulang.

Nagpaalala din ang Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Health Care, na pastoral accompaniment ang kinakailangan upang mapangalagaan ang mga taong mayroong HIV-AIDS at maalis ang stigma o masamang pagtingin sa mga ito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 41,126 total reads

 41,126 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 121,135 total reads

 121,135 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 154,582 total reads

 154,582 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 189,881 total reads

 189,881 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 414,852 total reads

 414,852 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top