Holy birth day, inilunsad sa paggunita ng Solemnity of the Baptism of Our Lord

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 468 total reads

Opisyal nang inilunsad ng himpilan ng Radio Veritas ang programang HOLY BIRTH Day upang buksan ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng sakramento ng binyag.

Layunin ng programa na mahikayat ang bawat mamamayan na bigyang halaga at alalahanin ang araw ng kanilang binyag na araw ng pagtatalaga sa pakikiisa sa Panginoon.

Batay sa isinagawang nationwide Veritas Truth Survey (VTS) lumabas na tangging 57% lamang o katumbas ng mahigit sa kalahati ng kabuuang bilang ng mga binyagang Katoliko ang may alam ng petsa o araw ng kanilang binyag; 32% ang hindi alam ang kanilang Baptismal Day habang 11% naman ang hindi sigurado sa petsa ng kanilang binyag.

Isinagawa ang pormal na paglulunsad ng programang HOLY BIRTH Day sa pamamagitan ng pagkakaloob ng sakramento ng binyag sa Minor Basilica of the Black Nazarene o Quiapo Church kasabay ng paggunita sa Solemnity of the Baptism of Our Lord.

Pinangunahan ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. at Rev. Fr. Anton CT Pascual na Pangulo ng Radyo Veritas at Executive Director ng Caritas Manila ang pagkakaloob ng sakramento ng binyag sa 12 sanggol mula sa iba’t ibang komunidad ng maralitang taga-lungsod sa Metro Manila kung saan nagsilbing ninong at ninang ang ilang mga personalidad mula sa entertainment and sports industry kabilang na ang Papal Awardee at kilalang komedyante na si Ms. Ai-ai Delas Alas.

Matatandaang una ng naganap ang soft launching ng programa kasabay ng isinagawang Binyagang Bayan sa Manila Cathedral sa pangunguna ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle noong Setyembre ng nakalipas na taon 2019 na inisyatibo ng Tulay ng Kabataan Foundation.

Nauna ng binigyang diin ni Cardinal Tagle na walang katumbas na halaga ang mga sakramento kaya’t hindi maaring gamiting dahilan ang pagiging mahirap upang hindi makatanggap ng mga sakramento partikular na ang sakramento ng binyag.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,500 total reads

 38,500 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,671 total reads

 118,671 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 152,119 total reads

 152,119 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,418 total reads

 187,418 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,484 total reads

 412,484 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top