May katapat na parusa ang pang-aabuso at pagmamalabis-AMRSP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total reads

Nalalaman at nakikita ng Diyos ang lahat ng mga ginagawa at laman ng puso ng bawat isa.

Ito ang paalala ni Fr. Angel Cortez, executive secretary ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines (AMRSP) sa mga opisyal o mga nasa kapangyarihan na umaabuso sa kanilang posisyon.

Paliwanag ng Pari, anumang kasalanan o pang-aabusong ginagawa ng ninuman sa kanyang kapwa ay nakikita ng Panginoon at sa takdang panahon ay mayroon ding kaparusahang kapalit at kanilang pananagutan ang mga nagawang pagkakasala.

“Kaya yung mga kababayan natin na nasa katungkulan, nasa kapangyarihan, kapulisan, pulitiko o sinuman, hindi natutulog ang Diyos nakikita niya kung ano ang inyong ginagawa, nakikita ng Panginoon kung ano ang laman ng puso mo kung ikaw man ay nagkasala ngayon sigurado pananagutin ka ng Panginoon para panagutan yung lahat ng gagawin mo lalong lalo na yung pagyurak sa karapatang pantao at saka sa maliliit,” ang bahagi ng paghayag ni Fr. Cortez sa panayam sa Radio Veritas.

Nauna ng inihayag ng Pari na ang anumang kapangyarihan o posisyon at katungkulan sa pamahalaan ay panandalian lamang.

“Ang kapangyarihan panandalian lang yan, alam naman natin na ang pinakamakapangyarihan sa mundo ay ang Panginoon, napakagandang matuto sila sa nangyari sa mga Ampatuan na humawak ka man ng posisyon ng ilang taon at abusuhin mo yung posisyon mo mananagot at mananagot ka,” dagdag pa ni Fr. Cortez.

Matatandaang ika-19 ng Disyembre taong 2019 mahigit isang dekada mula ng maganap ang Maguindanao Massacre noong November 23, 2009 ay tuluyan ng nahatulan ang mga nasa likod ng krimen na pawang kabila sa prominenteng pamilya ng mga pulitiko sa Mindanao.

Makalipas naman ang ilang buwang pagsusuri ng Department of Justice sa usapin ng “ninja cops” o ang pagre-recycle ng mga ilegal na droga ay inirekomenda ng kagawaran na makasuhan ang 13 pulis na kabilang sa maanomalyang drug operations na naganap sa Pampanga noong 2013 kabilang na ang dating Hepe ng Pampanga Police na si dating Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde.

Batay sa panlipunang katuruan ng Simbahan Katolika ang isang mabuting lider ay nagpapaalipin, nagpapakumbaba at tunay na naglilingkod sa taumbayan at sa kanyang mga nasasakupan ng walang halong sariling interes sa kanyang panunungkulan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 39,863 total reads

 39,863 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 119,909 total reads

 119,909 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 153,357 total reads

 153,357 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 188,655 total reads

 188,655 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 413,677 total reads

 413,677 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top