Pagbuwis ng buhay at matinding pinsala, maiiwasan sa nagkakaisang Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 334 total views

Nanawagan ang Prelatura ng Infanta ng pagkakaisa at ibayong pagtutulungan sa pagitan ng iba’t-ibang mga diyosesis at institusyon ng simbahang katolika lalo na sa panahon ng kalamidad.

Ayon kay Rev. Fr. Israel Gabriel, Social Action director ng Prelatura ng Infanta sa lalawigan ng Aurora, kailangan paigtingin ang pagtutulungan ng mga sangay ng Simbahan para mas maging epektibo ang pagtugon sa mga naapektuhan ng kalamidad.

Aminado si Fr. Gabriel na 90 porsyento ng mga munisipalidad sa lalawigan ng Aurora ay lantad sa pinsala na maaring idulot ng mga dumaraan na bagyo dahilan upang maging suliranin ang komunikasyon at maagap na pagtugon.

Umaasa ang pari na kung ang pagtutulungan ay hindi lamang sa loob ng isang diyosesis isasagawa, ay mas magiging mabilis at epektibo ang kanilang pagkilos.

“Ang ganda siguro ng tulungan ng mga magkakalapit na Dioceses, isa yun sa mga pinapangarap ko. napakahalaga yun pagtulong ng ibang dioceses and I think yun ma-tap ng simbahan at mapag ugnay-ugnay ang lahat ng Dioceses especially yung mga magkakatabi,” pahayag ni Fr. Gabriel sa panayam ng Radio Veritas.

Labis naman ang pasasalamat ni Fr. Gabriel sa ginagawang ugnayan ng iba’t-ibang institusyon ng Simbahan sa oras ng kalamidad.
Aniya, malaki ang naitulong nito lalo na nang maganap ang pananalasa ng bagyong Lando noong taong 2015 kung saan malaking bahagi ng lalawigan ng Aurora ang naapektuhan.

“Kasi pa minsan-minsan caught up na kami sa aming sitwasyon pero kapag tumatawag kayo [Veritas846] parang gumagaan, kasi mayroon tayong mga ka-partner sa labas na hindi tayo pinababayaan.”pahayag ni Father Gabriel sa Radio Veritas.

Ang prelatura ng Infanta ay kabilang sa mga diyosesis na nais tipunin ng Caritas Manila, NASSA-Caritas Philippines at Radyo Veritas bilang bahagi ng programang “Oplan Damayan” o ang pagtutulungan ng mga diyosesis sa silangan bahagi ng bansa na madalas makaranas ng mapaminsalang kalamidad.

Magugunitang kada taon ay umaabot sa halos 20 bagyo ang pumapasok sa Philippine Area of Responsibility.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PRIEST’S IN CRISIS

 8,056 total views

 8,056 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 8,056 total views

 8,056 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 121,877 total views

 121,877 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 144,758 total views

 144,758 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Sigaw ng mga magsasaka

 165,329 total views

 165,329 total views Mga Kapanalig, tatlong pandaigdigang mga institusyon ang nagbabalâ tungkol sa krisis sa pagkain dahil sa nagpapatuloy na giyera sa Middle East. Nagpahayag ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 72,870 total views

 72,870 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top