‘Maging butil ng Panginoon na inihahasik sa sangkatauhan’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,852 total views

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya sa Concluding Mass ng 7th Philippine Conference on New Evangelization o PCNE.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, ipinaalala nito sa mga mananampalataya na tulad ni Kristo, nawa saan man mapunta ang bawat isa ay madala nito ang misyon na pagpapalaganap ng mabuting balita.

Aniya, upang hindi mauwi sa ambisyon ang pagmimisyon ay kinakailangang laging maging bukas ang isang tao sa nais itayo ng Panginoon sa ating buhay.

“Minsan ang misyon nagiging ambisyon. May patutunayan ako sa bayan na yan, may patutunayan ako, kaya kong gawin ito, kaya kong itayo ito, kaya kong simulan ito at tatapusin ko ito. Baka ‘yang tinatayo mo hindi naman ‘yan ang gutong itayo ng Diyos, ang tunay na misyon ay nasa pagkilatis na kung ano ang gustong itayo ng Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sa huli, hinamon ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya lalo’t higit ang mga lumahok sa PCNE7 na maging handa sa pagiging butil na ihahasik at magdadala ng presensya ni Hesus sa sangkatauhan.

“Ating ihanda ang ating mga sarili na maging buti ng presenya ni Hesus na ihahasik ng Panginoon sa malawak na lupain ng sangkatauhan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ika-28 hanggang ika-29 ng Enero ginanap ang PCNE7 sa Smart Araneta Coliseum, na may temang “At Sino ang Aking Kapwa.”

Tampok din sa PCNE7 ang Ecumenical at Interreligious Dialogue, gayundin ang pagbabahagi at pakikinig sa karanasan at kultura ng mga katutubo sa Pilipinas.

Bilang bahagi ng tradisyunal na pagtatapos ng PCNE, ibinahagi sa bawat isa ang maliit na imahe ng Santo Niño at maliit na lalagyan ng banal na tubig.

Ito ang magiging paalala ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas kung saan nabinyagan ang bawat isa, at sinugo sa misyon ng Panginoon.

TULOY ANG PCNE

Sa huling bahagi ng banal na misa, isinagawa ang commissioning o pagsusugo ng mga mananampalataya kay Cardinal Tagle para sa kanyang bagong misyon bilang Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples.

Inalayan siya ng Krus, imahe ng Santo Niño, aklat ng Mabuting Balita, Banal na Tubig, na mga simbolo ng ating pananampalataya, at panalangin para sa kanyang kahaharaping mga pagsubok dala ng pagmimisyon.

Naging emosyonal ang tagpong ito dahil batid ng bawat isa na maaaring ito na ang huling pagkakataon na makadadalo si Cardinal Tagle sa PCNE.

Tiniyak naman ni Fr. Jayson Laguerta – Director ng Office for the Promotions of the New Evangelization na magpapatuloy ang PCNE kahit aalis na ng bansa si Cardinal Tagle.

“Ang misyon ay hindi nakasalalay sa isang tao, ang misyon ay tungkol kay Hesus at kung tayo ay tumutugon sa tawag ng Panginoong Hesus, lagi tayong handa kahit ano mang mga pangamba laging si Hesus ang magbibigay inspirasyon sa atin na gawin ang misyon at ipagpatuloy ang pagpapahayag ng mabuting balita,” pahayag ni Fr. Laguerta.

Ngayong 2020 umabot sa mahigit 10-libong mga mananampalataya mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang dumalo sa PCNE7 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 14,162 total views

 14,162 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 84,274 total views

 84,274 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,889 total views

 158,889 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,967 total views

 238,967 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,657 total views

 281,657 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 349,500 total views

 349,500 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top