Obispo sa hatol ng korte vs Veloso recruiter: ‘Justice is served’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 566 total reads

Ikinatuwa ng opisyal ng International Catholic Migration Commission (ICMC) ang hatol laban sa recruiter ni Mary Jane Veloso, ang OFW na kasalukuyang nasa death row ng Indonesia.

Ayon kay Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos, pangulo ng ICMC-Asia Oceania Working Group ito ang katotohanang magpapalaya kay Veloso kaugnay sa kasong pagpuslit ng iligal na droga.

“Justice is served. Truth has come out and eventually truth will set MJ free,” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Batay sa hatol ng korte sa Nueva Ecija, hinatulang guilty sina Maria Cristina Sergio at Julius Lacanilao sa kasong large-scale illegal recruitment na inihain nina Lorna Valino, Ana Marie Gonzales, at Jenalyn Paraiso.

Sinabi ni Bishop Santos na malinaw itong indikasyon na biktima rin si Veloso sa pananamantala nina Sergio at Lacanilao.

“The guilty verdict to MJ’s illegal recruiters points out the innocence of MJ; she was just unwilling victim, used by heartless recruiters,” ani Bishop Santos.

Kasalukuyang nakakulong sa Indonesia at nakabinbin sa korte ang kaso ni Veloso kung saan noong 2015 naisalba ito sa hatol na parusang kamatayan.

Taong 2010 nang mahuli si Veloso sa Yogyakarta, Indonesia dahil sa 2.6 kilong shabu na laman ng kanyang bagahe na ipinadala ng dalawang recruiter.

Umaasa si Bishop Santos na ito ang desisyon ng korte laban sa dalawang illegal recruiter ang maging daan sa paglaya ni Veloso.

“The verdict will help as strong evidence to resolve her case in the Indonesian court,” saad ng obispo.

Nagpasalamat si Bishop Santos, kasama ang buong CBCP migrants’ ministry sa Nueva Ecija Regional Trial Court branch 88 sa wasto at makatotohanang pasya kaugnay sa kaso nina Sergio at Lacanilao.

Patuloy na ipinanalangin ni Bishop Santos ang tuluyang paglaya ni Veloso upang makabalik na ito sa bansa at maligtas sa parusang ipinapataw ng Indonesia.

“We continue to pray that MJ will be eventually set free and remain strong, she suffers so much; Vindication is near; we hope and pray hard,” saad pa ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,908 total reads

 36,908 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,131 total reads

 117,131 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,580 total reads

 150,579 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,878 total reads

 185,878 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,026 total reads

 411,026 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top