‘Maging butil ng Panginoon na inihahasik sa sangkatauhan’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 3,853 total reads

Ito ang hamon ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa mananampalataya sa Concluding Mass ng 7th Philippine Conference on New Evangelization o PCNE.

Sa pagninilay ni Cardinal Tagle, ipinaalala nito sa mga mananampalataya na tulad ni Kristo, nawa saan man mapunta ang bawat isa ay madala nito ang misyon na pagpapalaganap ng mabuting balita.

Aniya, upang hindi mauwi sa ambisyon ang pagmimisyon ay kinakailangang laging maging bukas ang isang tao sa nais itayo ng Panginoon sa ating buhay.

“Minsan ang misyon nagiging ambisyon. May patutunayan ako sa bayan na yan, may patutunayan ako, kaya kong gawin ito, kaya kong itayo ito, kaya kong simulan ito at tatapusin ko ito. Baka ‘yang tinatayo mo hindi naman ‘yan ang gutong itayo ng Diyos, ang tunay na misyon ay nasa pagkilatis na kung ano ang gustong itayo ng Diyos,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Tagle.

Sa huli, hinamon ni Cardinal Tagle ang mga mananampalataya lalo’t higit ang mga lumahok sa PCNE7 na maging handa sa pagiging butil na ihahasik at magdadala ng presensya ni Hesus sa sangkatauhan.

“Ating ihanda ang ating mga sarili na maging buti ng presenya ni Hesus na ihahasik ng Panginoon sa malawak na lupain ng sangkatauhan.” Dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Ika-28 hanggang ika-29 ng Enero ginanap ang PCNE7 sa Smart Araneta Coliseum, na may temang “At Sino ang Aking Kapwa.”

Tampok din sa PCNE7 ang Ecumenical at Interreligious Dialogue, gayundin ang pagbabahagi at pakikinig sa karanasan at kultura ng mga katutubo sa Pilipinas.

Bilang bahagi ng tradisyunal na pagtatapos ng PCNE, ibinahagi sa bawat isa ang maliit na imahe ng Santo Niño at maliit na lalagyan ng banal na tubig.

Ito ang magiging paalala ng pagdating ng Kristiyanismo sa Pilipinas kung saan nabinyagan ang bawat isa, at sinugo sa misyon ng Panginoon.

TULOY ANG PCNE

Sa huling bahagi ng banal na misa, isinagawa ang commissioning o pagsusugo ng mga mananampalataya kay Cardinal Tagle para sa kanyang bagong misyon bilang Prefect for the Congregation of the Evangelization of Peoples.

Inalayan siya ng Krus, imahe ng Santo Niño, aklat ng Mabuting Balita, Banal na Tubig, na mga simbolo ng ating pananampalataya, at panalangin para sa kanyang kahaharaping mga pagsubok dala ng pagmimisyon.

Naging emosyonal ang tagpong ito dahil batid ng bawat isa na maaaring ito na ang huling pagkakataon na makadadalo si Cardinal Tagle sa PCNE.

Tiniyak naman ni Fr. Jayson Laguerta – Director ng Office for the Promotions of the New Evangelization na magpapatuloy ang PCNE kahit aalis na ng bansa si Cardinal Tagle.

“Ang misyon ay hindi nakasalalay sa isang tao, ang misyon ay tungkol kay Hesus at kung tayo ay tumutugon sa tawag ng Panginoong Hesus, lagi tayong handa kahit ano mang mga pangamba laging si Hesus ang magbibigay inspirasyon sa atin na gawin ang misyon at ipagpatuloy ang pagpapahayag ng mabuting balita,” pahayag ni Fr. Laguerta.

Ngayong 2020 umabot sa mahigit 10-libong mga mananampalataya mula sa iba’t-ibang bahagi ng bansa ang dumalo sa PCNE7 na ginanap sa Smart Araneta Coliseum.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 86,312 total reads

 86,312 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 163,940 total reads

 163,940 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 197,388 total reads

 197,388 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 232,686 total reads

 232,686 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 455,821 total reads

 455,821 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 38,245 total reads

 38,245 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 31,131 total reads

 31,131 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top