Tularan ang mapagpakumbabang puso ng Mahal na Birheng Maria.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 924 total views

Ito ang hamon sa mananampalataya ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco, dating Apostolic Administrator ng Diocese of Malolos, sa kanyang pagninilay sa Banal na Misa ng Coronacion Canonica ng Birhen ng La Purisima Concepcion de Santa Maria, sa unang araw ng Pebrero 2020.

Ayon kay Bishop Ongtioco, ang kababaang loob ng mahal na birhen ang naging daan upang siya ay mahirang bilang ina ng Panginoong Hesukristo, ang tagapagligtas ng sanlibutan.

Dahil dito, kalakip ng koronang ipinutong sa Mahal na Ina, nawa ay maihandog din ng mananampalataya ang kanilang masunuring puso na puno ng pagmamahal sa Panginoon at kababaang loob tanda ng kahandaan ng pagsunod sa Diyos “S’ya ang La Purisima na ating pinipintuho.

“Kalakip ng korona sa kan’yang ulo’y ating ipinuputong ay ang ating mga pusong inihahandog higit sa marangyang regalo ay ang mga puso ng masunuring anak masintahin n’yang pag ibig ay suklian natin ng pagtulad sa kanyang mga katangian”,pagninilay ni Bp. Ongtioco.

Tinatayang mahigit 200 taon na ang debosyon ng mga taga Sta Maria Bulacan sa imahe ng mahal na birhen ng La Purisima Concepcion.

Matatandaang ika-tatlo ng Mayo 2018 nang gawaran ng Coronacion Episcopal ng namayapang Obispo ng Malolos na si Bishop Jose Oliveros ang imahe ng La Purisima Concepcion.

Ika-28 ng Marso 2019 naman, inaprubahan ng Santo Papa ang dekreto ng pagkilala ng simbahang katolika sa imahe upang gawaran ng coronacion canonica.

Sa tala ang Birheng ito ng Santa Maria, Bulacan ang pang 43 sa mga imahe sa Pilipinas na ginawaran ng Coronacion Canonica.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang bayanihan

 106,299 total views

 106,299 total views Mga Kapanalig, nakasaad sa Galacia 6:2, “magtulungan kayo sa pagbuhat ng pasanin ng bawat isa.”  Sa kabila ng krisis na kinahaharap ng ating

Read More »

Mga kamay na punô ng dugo

 128,409 total views

 128,409 total views Mga Kapanalig, hindi nakikinig ang Diyos sa mga panalangin ng mga taong nagsisimula ng digmaan. Tinatanggihan Niya ang mga dasal na ito.  Ganito

Read More »

Isa pang state of emergency

 202,649 total views

 202,649 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 198,496 total views

 198,496 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 288,878 total views

 288,878 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top