Higit na pagyabungin ang pag-ibig ng Diyos, sa pagtulong sa kapwa-Caritas Philippines

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 2,109 total reads

Higit na pinagyayabong ng mga Filipino ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan.

Ito ayon kay Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines-National Secretariat for Social Action Justice and Peace/Caritas Philippines.

Ayon sa obispo, ito din ang dahilan ng pagpapalawak ng programa ng social arm ng simbahan para sa pagtugon sa pangangailangan ng mamamayan lalu na tuwing may kalamidad.

“We don’t divide our love, we multiply it, upang mas marami ang mababahaginang kapwa,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ang mensahe ng obispo ay kaugnay sa paglunsad ng Alay Kapwa ang taunang Lenten Program ng simbahan na layong makakalap ng pondo para magsilbing emergency standby fund para sa kagya’t na pagtugon kung kinakailangan.

Tema ng 45-taong programa ng social arm ng simbahan ang ‘Dialogue Towards Harmony na may PagmaMALASAKIT, PagbaBAHAGI, at Pag-aALAY-KAPWA’ kung saan binibigyang pansin ang kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang pananampalataya at ng mga katutubo sa bansa.

Charity beyond home and religion

Tinukoy naman ni Novaliches Bishop Roberto Gaa na higit palalaguin ang pagtulong sa lahat ng mamamayan sa kabila ng pagkakaiba ng pananaw at paniniwala sapagkat ang lahat ay kapwa anak ng Diyos.

“Hindi natatapos ang charity sa bahay lamang kundi we need charity beyond home, beyond religion,” saad pa ni Bishop Gaa.

Sa ulat ng Caritas Philippines, mahigit sa anim na milyong piso ang nalikom na pondo ng Alay Kapwa noong nakalipas na taon kung saan ibinahagi ito sa mga lugar na nasalanta ng bagyo, ang magkakasunod na lindol sa North Cotabato at sa Digos Davao del Sur gayundin ang pagtulong sa mga biktima ng pagputok ng bulkang Taal.

Umaasa si Bishop Bagaforo na buong pusong yakapin ng mamamayan ang kapwa na nangangailangan ng pag-agapay upang maibsan ang paghihirap na nararanasan at suportahan ang mga programa ng simbahan na tumutugon sa pangangailangan ng mahihirap.

Ginawa ang launching ng Alay Kapwa Luzon Region sa Diocese of Novaliches na dinaluhan ng mga delegado mula sa 17 diyosesis ng Luzon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,909 total reads

 36,909 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,132 total reads

 117,132 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,580 total reads

 150,580 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,879 total reads

 185,879 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 411,027 total reads

 411,027 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top