CBCP, nagkakaisa laban sa anumang banta sa buhay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,434 total reads

Hinimok ng mga Obispo ng bansa ang mamamayan na makiisa sa ika-apat na taon ng Walk For Life ngayong 2020.

Binigyang diin ni Lingayen, Dagupan Abp. Socrates Villegas ang kahalagahan at kabanalan ng buhay ng tao dahil ito ay nagmula sa Panginoon.

Aniya, mahalaga ang taunang pakikiisa ng mamamayan, maging ang mga nasa lalawigan upang ipakita ang matibay na paninindigan ng mga Pilipino para sa pangangalaga sa buhay.

“Ang buhay ay banal, ang buhay ay handog ng Diyos at tayong lahat ay katiwala ng buhay na ito… tayo pong lahat ay tumayo manindigan magdasal ipagtanggol ang buhay na kaloob ng Diyos” Bahagi ng pahayag ng Arsobispo sa Radyo Veritas.

Umaasa din si CBCP President, Davao Abp. Romulo Valles na sa pamamagitan ng pagkilos na ito ay aktibong maipakikita ng mananampalataya ang adbokasiya, pagmamahal, at respeto ng bawat tao sa buhay.

“We hope and pray that many of us will be there to show our interest, our commitment, our heart for advocacy in love and respect for life.” Pahayag ni Abp. Valles sa Radyo Veritas.

Samantala, inihayag naman ni CBCP Vice President, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na ang bawat yugto ng buhay mula sa sinapupunan ay dapat na igalang at pangalagaan.

Aniya, maging ang buhay ng mga dukha at mga pinapatay dahil sa giyera kontra iligal na droga ay mahalaga, kaya naman kinakailangan ang pakikiisa ng lahat para sa mga napagkakaitan ng dangal at buhay.

“Napakahalaga po na makisama tayo dito sa adhikain na ito kung tayo talaga ay naniniwala na kailangang ipagtanggol ang buhay, to walk for life in all its stages. Ang buhay ng mga sanggol, ang buhay ng mga dukha, ang buhay ng mga napapatay sa giyera sa droga at marami pang ibang mga tao na napagkakaitan ng dangal at buhay. Kailangan po ang ating pakikiisa kaya sana po wag nyong kalilimutan sumali po tayo dito sa ating ika-apat na taon ng Walk for Life.” Pahayag ni Bp. David sa Radyo Veritas.

Ika-15 ng Pebrero, alas-kwatro ng umaga gaganapin ang ika-apat na taon ng Walk For Life sa Quezon Memorial Circle.

Pangungunahan ito ng Sangguniang Layko ng Pilipinas, kasama ang iba’t-ibang mga diyosesis sa bansa na magsasagawa din ng simultaneous Walk for Life.

Kabilang dito ang Archdiocese of Lingayen Dagupan, Archdiocese of Cagayan De Oro, Archdiocese of Palo, Diocese of Tarlac, at Archdiocese of Cebu.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 36,815 total reads

 36,815 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 117,042 total reads

 117,042 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 150,490 total reads

 150,490 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 185,789 total reads

 185,789 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 410,941 total reads

 410,941 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 37,393 total reads

 37,393 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 30,283 total reads

 30,283 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top