Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan sa publiko; makipagtulungan sa gobyerno laban sa nCoV

SHARE THE TRUTH

 3,399 total views

Nanawagan ang espesyalista sa publiko na huwag maniwala sa mga haka-haka kaugnay sa pagkalat ng Novel Corona Virus (nCoV).

Ayon kay Infectious disease specialist Dr. Edwin Dimatatac ng Ospital ng Muntinlupa, kinakailangan lamang na pakinggan ang mga paalala at panuntunan ng Department of Health (DoH) at ng World Health Organization (WHO).

Ito ay upang hindi na makadagdag pa sa kaguluhan at pangamba hinggil sa pagkalat ng sakit.

“…maganda po sa mga kababayan natin ay makinig at magbasa doon lang po sa legit na advisory ng DoH at WHO,” ayon pa kay Dimatatac.

Ayon pa sa dalubhasa, ito ay isang bagong sakit at wala pang natutukoy na gamot kaya’t pinapairal lamang ng pamahalaan ang higit na pag-iingat tulad na rin ng pagku-quarantine sa mga turista at nagkaroon ng contact sa mga nagmula sa China sa loob ng 14 na araw.

“Magtiwala sa gobyerno at tumulong sa gobyerno. Pagtulong-tulungan para hindi kumalat ang virus,” ayon kay Dimatatac.

Sapat na rin ayon kay Dimatatac ang paggamit ng surgical mask upang makaiwas na mahawa sa nCoV habang ipaubaya naman ang mga N95 mask sa mga health workers dahil ang mga ito ang mas lantad sa iba’t ibang uri ng sakit.

Sa kasalukuyan, umaabot na sa 490 ang nasawi sa nCoV sa China, isa sa Pilipinas at naitala na rin ang isa pang nasawi sa Hongkong.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,997 total views

 72,997 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,772 total views

 80,772 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,952 total views

 88,952 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,547 total views

 104,547 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,490 total views

 108,490 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Veritas NewMedia

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 85,603 total views

 85,603 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Latest News
Veritas NewMedia

PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD

 116,314 total views

 116,314 total views PASTORAL INSTRUCTION: MOVING FORWARD   My dear people of God in the Archdiocese,   We, in the NCR, are now placed under General

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top