Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 588 total reads

Ang smartphone mo kapanalig, hindi lang mainam para sa social media o panonood ng youtube. Mahalaga rin ito sa panahon ng delubyo.

Binabago ng mga smartphones ang pagharap ng sangkatauhan sa mga iba-ibang sakuna na nangyayari sa ating buhay. Hindi natin binibigyan ng halaga ang aspetong ito ng smartphones, kapanalig, pero maraming buhay na ang nasalba ng teknolohiyang taglay ng ating smartphones.

Isang halimbawa nito, kapanalig, ay ang pag-gamit nito ng mga Africans sa panahon ng isa sa pinakamatinding krisis sa kanilang kasaysayan. Ayon sa isang pag-aaral, noong panahong pumutok ang sakit na Ebola sa West Africa noong 2014–2016, ang contact tracing ay isa sa mga pinakamahalagang elemento ng pagpigil ng pagkalat ng epidemyang ito. Napakahirap kasi ng paper-based na contact tracing. Minsan hindi kumpleto ang nilalagay ng mga tao sa mga forms, maraming delay sa komunikasyon, minsan di na makita ang mga nakasalamuha ng may sakit.

Nung kahitikan ng epidemyang ito, sinubukan ng ilang mga eksperto ang ang pag-gamit ng app sa smartphone na tinawag na Ebola Contact Tracing Application o ECT App, na gawa ng Earth Institute ng Columbia University. Nakita nila na 63% ng mga contacts ang naabot ng app, kumpara sa 39% lamang gamit ang paper-based contact tracing. Hindi man perpekto, nagpakita ito ng malaking potensyal sa mas maayos at sistematikong contact tracing sa mga ganitong uri ng sakit at epidemya nangangailangan ng mabilisang aksyon.

Mahalaga ito, kapanalig, lalo na sa mga bansang gaya sa atin kung saan marami ang maralita at nakatira sa masisikip ang lugar. Sa mga informal settlements, kapag bumahing lang ang isang tao, marami na agad ang mahahawa. At dahil informal settlements, labas masok ang mga tao, at marami sa kanila, paroot parito kung saan-saang lugar.

Sa panahon ngayon na marami ang takot sa pagkalat pa ng Novel Corona Virus, ang pagdevelop ng contact tracing app na akma sa ating pangangailangan ay magiging isang malaking tulong sa pagkalma ng kalooban ng marami, at ng mas mabilis na pag-alam kung sino ang naapektuhan ng sakit na ito. Mas mainam na ito, diba kapanalig, kaysa sa pag-gamit ng smartphone sa pagkalat ng fake news?

Panlipunang katarungan, kapanalig, ang anumang gawain na magsusulong ng kapakanan ng balana, lalo na ng maralita. Pina-paalala ng Justicia in Mundo, bahagi ng panlipunang turo ng Simbahan, “Kung hindi natin pipigilan, ang impluwensya ng bagong teknolohiya ay papaboran lamang ang may kaya at kapangyarihan.” Nawa’y gamitin natin ng tama at makabuluhan ang teknolohiya gaya ng smartphones, kapanalig, lalo na’t nasa gitna ang sangkatauhan ng isang napakalaking hamon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 38,163 total reads

 38,163 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,343 total reads

 118,343 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,791 total reads

 151,791 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,090 total reads

 187,090 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 412,185 total reads

 412,185 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WALANG KAHIHIYAN

 38,164 total reads

 38,164 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 118,344 total reads

 118,344 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 151,792 total reads

 151,792 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 187,091 total reads

 187,091 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »
Scroll to Top