Pag-ulan, kinakailangan pa sa ilang lalawigan sa Luzon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 326 total views

Nagpapasalamat ang ilang lalawigan sa Luzon sa hatid na ulan ngayong buwan ng Agosto.

Ayon kay Nueva Ecija Social Action Center Former Director Fr. Josix Tolentino, biyaya sa kanilang lugar ang mga pag-ulan lalu’t kinakailangan ito sa kanilang mga pananim partikular na sa mga palayan.

Makakatipid din ayon kay Fr. Tolentino ang mga magsasaka dahil sa hindi na kailangan pang bumili ng gasolina para gumamit ng water pump para sa patubig.

“Bagama’t marami ang naapektuhan ng pag-ulan ngayon, natutuwa kami dito sa ulan kasi kailangang kailangan dito sa amin ang patubig. At makakatipid din ang mga magsasaka dahil mababawasan din ang gastos sa pagbili ng diesel para sa patubig sa mga palayan. Kaya sa amin, maging sa Ilocos ay natutuwa sa pagdating ng ulan dito sa amin,” ayon kay Fr. Tolentino sa panayam ng Radyo Veritas.

Ang Nueva Ecija ang nangungunang lalawigan sa produksyon ng bigas sa bansa, kabilang din ang North Cotabato, Nueva Viscaya, Isabela, Pangasinan at Ilocos Norte.

Sa tala ng Department of Agriculture, higit sa 4 na bilyong piso ang mga hindi napakinabangang pananim ayon sa Department of Agriculture dahil sa tagtuyot.

Ang Nueva Ecija ay kabilang sa mga lugar sa Luzon na naapektuhan ng nakalipas na tagtuyot kabilang din ang Pangasinan, Tarlac, Zambales, Occidental Mindoro at ang Palawan.

Matatandaang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) sa pamahalaan na bigyang tulong ang mga magsasaka para mapanatili ang suplay ng bigas sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 16,068 total views

 16,068 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 44,419 total views

 44,419 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 112,149 total views

 112,149 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 135,300 total views

 135,300 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 204,368 total views

 204,368 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 149,254 total views

 149,254 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 313,190 total views

 313,190 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top