Taumbayan, hinimok na magdasal, magtulungan at maging masunurin sa oras ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 446 total views

Hinimok ni Father Rei Paglinawan – Parish Priest ng Most Holy Redeemer Parish, sa Diocese of Cubao ang kanyang mga parishioners na maging masunurin at makipagtulungan sa oras ng kalamidad.

Ayon sa Pari, mas magiging madali kung magtutulungan at sama-samang mananalangin ang bawat isa lalo na’t tumitindi ang mga sakuna.

Pakiusap pa ni Fr. Paglinawan sa mga residente, matutong sumunod at makipag-ugnayan sa Simbahan at pamahalaan upang makaiwas sa disgrasya na maaaring idulot ng malakas na pag-ulan bunga ng hanging habagat.

“Huwag natin kakalimutan na tayo ay magdasal, at hilingin natin ang pangangalaga ng mahal na birheng Maria upang tayo ay mabuhay ng mas ligtas at makipagtulungan po tayo sa lahat ng oras upang hind maging mahirap para din sa mga taong tumutulong sa atin,” ang pahayag ni Fr. Paglinawan sa Radyo Veritas.

Ayon sa PAGASA, tatlong weather circulations ang dahilan ng paglakas ng hanging habagat, ito ang low pressure area sa southern coast ng China, ang tropical storm na si Conson at isa pang mahinang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility.

Batay sa National Disaster Risk Reduction Management Council umabot na sa 15,665 na mga pamilya o katumbas ng 70,665 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag ulan dulot ng South West monsoon sa mga bahagi ng Metro Manila, Negros Island Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon, Calabarzon and Western Visayas.

Magugunita namang sa laudato si ni Pope Francis, ipinaalala nitong dapat pag-ibayuhin ng tao ang pangangalaga sa kalikasan dahil kung

mag papatuloy ang pagkasira ng kapaligiran ay mga tao rin ang magiging biktima ng mga kalamidad na idudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 8,029 total views

 8,029 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 36,380 total views

 36,380 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 104,110 total views

 104,110 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 127,261 total views

 127,261 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 196,877 total views

 196,877 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 352,045 total views

 352,045 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »
Scroll to Top