Obispo, nanawagan sa mga ecclesiastical provinces sa pagtatayo ng mga rehab center

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 521 total reads

Naniniwala ang Obispo ng Luzon na masosolusyunan ang dumaraming bilang ng mga sumukong drug users at pushers kung magtutulungan ang bawat rehiyon sa pagpapatayo ng rehabilitation centers.

Ayon kay Diocese of Laoag Bishop Renato Mayugba, hindi kakayanin ng isang parokya o Diyosesis ang pagbibigay ng pasilidad kayat kinakailangan ang tulong at saklolo ng bawat rehiyon upang maisakatuparan ito.

Sinabi ng Obispo na mas mapapabilis ang pagtugon ng Simbahan kung magtutulungan ang bawat ecclesiastical provinces na paramihin pa ang rehab centers sa bansa.

“Kung talagang dibdiban, seryosong rehab center medyo kakailanganin natin ang funding noon. Pero siguro ang inisip ko niyan baka mahihirapan on a diocesan level baka on a regional level magtutulungan yung mga juridical jurisdiction. Otherwise mahirap naman mag-multiply ng rehab center, pano yung maintenance mo nun?” pahayag ni Bishop Mayugba.

Hinimok rin ng Obispo ang mga doktor na handang mag – alay ng kanilang oras at panahon para bumuo ng kanilang hanay na tututok sa rehabilitasyon ng mga drug related surrenderees.

“Kung meron sanang mga doctors who are willing to render some kind or mag-organize ng medical team to work for rehab that could be an option. Kesa yung ilagay mo sila lahat sa kulungan siksik sila dun. They are all restraint pero wala namang intervention to help them personally to overcome an addiction,” giit pa ni Bishop Mayugba.

Sa datos na binanggit ni Senate Minority Leader Senator Ralph Recto, lumilitaw na 3,216 lamang ang kabuuang bilang ng mga bed sa mga government at private drug rehabilitation center.

Batid rin na walang government rehabilitation center sa halos kalahati ng mga rehiyon sa bansa.

Nauna na ring iminungkahi ni Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma na gawing rehabilitation center pansamantala ang mga parokya sa kanyang arkidiyosesis.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 54,170 total reads

 54,170 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 100,763 total reads

 100,763 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 202,030 total reads

 202,030 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 272,217 total reads

 272,217 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Kasaysayang ayaw nating maulit

 355,536 total reads

 355,536 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 337,189 total reads

 337,189 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 443,279 total reads

 443,279 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top