Taumbayan, hinimok na magdasal, magtulungan at maging masunurin sa oras ng kalamidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 527 total reads

Hinimok ni Father Rei Paglinawan – Parish Priest ng Most Holy Redeemer Parish, sa Diocese of Cubao ang kanyang mga parishioners na maging masunurin at makipagtulungan sa oras ng kalamidad.

Ayon sa Pari, mas magiging madali kung magtutulungan at sama-samang mananalangin ang bawat isa lalo na’t tumitindi ang mga sakuna.

Pakiusap pa ni Fr. Paglinawan sa mga residente, matutong sumunod at makipag-ugnayan sa Simbahan at pamahalaan upang makaiwas sa disgrasya na maaaring idulot ng malakas na pag-ulan bunga ng hanging habagat.

“Huwag natin kakalimutan na tayo ay magdasal, at hilingin natin ang pangangalaga ng mahal na birheng Maria upang tayo ay mabuhay ng mas ligtas at makipagtulungan po tayo sa lahat ng oras upang hind maging mahirap para din sa mga taong tumutulong sa atin,” ang pahayag ni Fr. Paglinawan sa Radyo Veritas.

Ayon sa PAGASA, tatlong weather circulations ang dahilan ng paglakas ng hanging habagat, ito ang low pressure area sa southern coast ng China, ang tropical storm na si Conson at isa pang mahinang bagyo na nasa labas ng Philippine area of responsibility.

Batay sa National Disaster Risk Reduction Management Council umabot na sa 15,665 na mga pamilya o katumbas ng 70,665 na indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pag ulan dulot ng South West monsoon sa mga bahagi ng Metro Manila, Negros Island Region, Autonomous Region in Muslim Mindanao, Central Luzon, Calabarzon and Western Visayas.

Magugunita namang sa laudato si ni Pope Francis, ipinaalala nitong dapat pag-ibayuhin ng tao ang pangangalaga sa kalikasan dahil kung

mag papatuloy ang pagkasira ng kapaligiran ay mga tao rin ang magiging biktima ng mga kalamidad na idudulot nito.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 53,570 total reads

 53,570 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 102,905 total reads

 102,905 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 150,776 total reads

 150,776 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 254,725 total reads

 254,725 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 338,159 total reads

 338,159 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 41,969 total reads

 41,969 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 34,849 total reads

 34,849 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top