SOAP, inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation Inc.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 806 total views

Inilunsad ng Philippine Jesuit Prison Service Foundation, Inc. (PJPS) ang Simple Offering of Affection for Persons Deprived of Liberty (PDLs) o S.O.A.P. campaign bilang bahagi ng paggunita ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon kay PJPS Executive Director Fr. Eli Rowdy Y. Lumbo, SJ, ang layunin ng S.O.A.P campaign na makapagkaloob ng mga hygiene kits partikular ng mga sabong pampaligo at panlaba para sa mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City bilang proteksyon sa COVID-19 pandemic.

Ipinaliwanag ng Pari na higit na mahalaga ngayong panahon ng pandemya na matiyak ang kalinisan ng mga bilanggo na higit na lantad sa iba’t ibang sakit dahil sa pagsisiksikan sa mga bilangguan.

“Sa amin sa PJPS – Philippine Jesuit Prison Service may panawagan po kami na sana makatulong tayo sa aming proyekto na makalikom ng pera o ng sabon. Ang pera ay ibibili ng mga sabon ng ating mga kapatid sa loob ng bilangguan sa New Bilibid Prison (NBP) at sa Correctional Institute for Women (CIW), sa NBP po ito po ang mga lalaki halos 27,000 – 28,000 po yung mga bilanggo dito at sa CIW mga almost 3,000. Nais sana natin makabigay sa kanila ng mga sabon – sabon pampaligo at sabon panlaba laban sa COVID-19”. pahayag ni Fr. Lumbo sa panayam sa Radio Veritas.

Dahil dito nananawagan si Fr. Lumbo ng suporta para sa S.O.A.P campaign upang makapagpaabot ng tulong sa lahat ng halos 33,000 mga bilanggo sa New Bilibid Prison (NBP) at Correctional Institute for Women (CIW) sa Mandaluyong City.

Nasaaad sa website na www.pjps.org.ph ang paraan upang makapagpaabot ng tulong in cash o in kind kung saan sa halagang 150-piso ay maaring ng magkaroon ng pang-isang buwang hygiene kit ang isang Persons Deprived of Liberty.

Tema ng 33rd Prison Awareness Week ngayong taon ang “Restoring Hope and Healing during this Time of Pandemic through God’s Transforming Unconditional Love” na gugunitain mula ika-19 hanggang ika-25 ng Oktubre.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 6,444 total views

 6,444 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 36,667 total views

 36,667 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 63,318 total views

 63,318 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 158,291 total views

 158,291 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 179,282 total views

 179,282 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top