Magparehistro at mag-ingat sa virus, paalaala ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 634 total reads

Pinapaalalahanan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang mga magpapatala sa voter’s registration ng Commission on Elections (COMELEC) na sumunod sa ipinatutupad na minimum health protocols bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus.

Ayon kay PPCRV executive director Maria Isabel Buenaobra, dapat matiyak ang kaligtasan ng publiko mula sa virus gayundin ang pagtupad sa tungkulin bilang mamamayan na makaboto sa susunod na halalan na magsisimula sa pagpapatala.

Pagbabahagi ni Buenaobra bukod sa pagsusuot ng mga facemask, face shield at pagsunod sa social distancing ay pinapayuhan rin ang lahat na mga magpaparehistro na magdala ng kani-kanilang ballpen na panulat sa mga kakailanganing lagdaan na dokumento. “Para maiwasan po natin ang mga infection, may alcohol naman na maibibigay ang COMELEC pagpasok at magkakaroon ng dis-infection so dapat mag-sanitizer sila o kaya alcohol para pagpasok nila sa COMELEC office ay siguradong hindi sila magiging infected,” ang bahagi ng pahayag ni Buenaobra sa panayam sa Radio Veritas.

Paliwanag pa ni Buenaobra, bagamat pinapayuhan ang mga magpaparehistro na maagang punan ang mga kinakailangang impormasyon sa mga dokumento ay dapat naman itong lagdaan sa harapan mismo ng mga opisyal ng COMELEC upang matiyak ang katauhan ng mga magpaparehistro bago gawin ang pagkuha ng biometrics.

Una ng tiniyak ng COMELEC pagpapatupad ng mga minimum health protocol bilang pag-iingat mula sa pagkalat ng COVID-19 virus kung saan mayroong inilalaan ang mga local COMELEC offices ng “designated disinfection day” upang malinis ang mga pasilidad kung saan ginagawa ang voter’s registration.

Sa pinakahuling datos ng COMELEC noong ika-14 ng Enero, umaabot pa lamang sa 1,117,528 ang bilang ng mga naitalang voter applicants mula sa target ng komisyon na 4-milyong registrants.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

THE LOST LESSONS

 19,334 total reads

 19,334 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 69,700 total reads

 69,700 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 203,200 total reads

 203,200 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 288,582 total reads

 288,582 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Magparehistro na para makaboto sa 2028!

 351,181 total reads

 351,181 total reads Mga Kapanalig, pwede nang magparehistro ang mga botante para sa 2028 national at local elections hanggang sa ika-30 ng Hulyo, 2027. Maaaring magparehistro

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top