Kapag mahihirap ang pinapatay

SHARE THE TRUTH

 180 total views

Mga Kapanalig, noong namatay ang isang kilaláng flight attendant noong Enero, at kahit wala pang matibay na ebidensyang nagpapatunay na siya ay pinagsamantalahan at pinatay, mabilis pa sa alas kuwatro ang mga pulitiko sa pag-aalok ng pabuya sa mga makakahanap sa mga salarin. Karaniwan na ang ganitong pagtugon ng mga inihalal nating mga pinuno ng bayan kapag may nangyayaring high-profile na kaso ng pagpatay—mga pagpatay kung saan ang biktima ay masasabing hindi ordinaryong tao, kahit pa nga parang pinangungunahan nila ang kalalabasan ng imbestigasyon. Pagkakataon iyon para sa mga pulitikong ipakita ang para sa kanila ay agarang pagtugon sa isang krimeng pumukaw sa atensyon ng publiko at ng media.

Ngunit kapag mahihirap ang pinapatay—at malinaw ang mga ebidensyang sila ay pinatay—nasaan ang mga pulitikong ito?

Noong isang linggo—at pasintabi po sa mga kumakain—dalawang labinlimang taong gulang na binata ang natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat malapit sa Isla Puting Bato, hindi kalayuan sa Parola Compound kung saan sila nakatira at isa sa mahihirap na komunidad sa Tondo dito sa Maynila. Malinaw ang bakas ng pagpapahirap kina Carl Justine Banogon at Chormel Buenaflor noong sila ay pinatay. Ibinalot ng tape ang kanilang mga braso at binti, nilaslas ang leeg, at tinadtad ng saksak ang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Para raw nakatagpo ng demonyo ang kanilang mga anak, paglalarawan ng nagdadalamhating mga magulang. Katapusan ng Enero nang nagpaalam ang dalawang menor de edad na maglalaro ng basketball, ngunit hindi na sila nakauwi pa, hanggang sa matagpuan na lamang ang kanilang bangkay sa pampang ng Manila Bay. Gang war ang sinasabi ng mga pulis na posibleng motibo sa pagpatay sa dalawang menor de edad.



Nakapanlulumo ang sinapit nina Carl Justine at Chormel, at hangad nating makamit ng kanilang pamilya ang katarungan. Ngunit hindi sila pinapansin ng ating mga pulitiko. May narinig ba tayong nag-alok ng pabuya sa mga pumatay sa dalawang binatilyo sa Tondo? May nagpatawag ba ang pagdinig sa Kongreso upang imbestigahan ang mga pagkukulang ng mga tagapagpatupad ng batas? May mga narinig ba tayong mga nasa poder at maimpluwensyang mga personalidad na nagsalita at kumundena sa pagpatay kina Carl Justine at Chormel at sa marami pa nating kababayan—kabilang ang mga bata—na pinatay na parang mga hayop?

Namamalas natin sa ganitong mga pangyayari ang malinaw na pagsasantabi sa mga mahihirap. Ang kanilang pagkamatay ay para bang karaniwang pangyayari na lamang; sila ay mga biktimang mananatiling datos sa bilang ng mga naitatalang krimen at kinakalimutan na lamang ng media at hindi papansinin ng ating mga pinuno. Hanggang sa kanilang pagkamatay, biktima ang mahihirap ng kalupitan at hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Sinasalamin nito ang sinasabi ni Pope Francis sa kanyang apostolic exhortation na Evangelii Gaudium na “throwaway culture,” isang uri ng pamumuhay kung saan may itinatakdang halaga sa bawat tao—may mas pinahahalagahan, may mga isinasantabi na lang at, ang masaklap pa, hindi na itinuturing na bahagi ng lipunan. Parang mga latak na itinatapon na lamang.

Ngunit sa mga pagkakataong mapakikinabangan ang mahihirap katulad ng eleksyon, doon lamang sila papansinin ng mga pulitiko. Sa mga pagkakataong nanganganib ang buhay ng mahihirap at naapakan na ang kanilang dignidad bilang mga tao, mistulang bulag, pipi, at bingi ang mga pulitiko. Ito ang kalakaran sa ating pulitika na dapat nang mabago. Sabi nga sa Mga Kawikaan 29:7, “Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito’y balewala sa mga taong swapang.”

Kaya, mga Kapanalig, taasan natin ang ating pamantayan sa pagpili ng mga lider ng bayan—piliin natin ang mga matuwid at kinikilala ang mahihirap.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Malayo sa kumakalam na sikmura

 47,145 total views

 47,145 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »

Cellphone ban?

 52,563 total views

 52,563 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »

Damay ang medical profession

 59,270 total views

 59,270 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »

Manggagawang Pilipino

 74,063 total views

 74,063 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »

Malnutrisyon

 80,219 total views

 80,219 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malayo sa kumakalam na sikmura

 47,146 total views

 47,146 total views Mga Kapanalig, tinatayang aabot sa humigit-kumulang 6% ang economic growth ng Pilipinas sa unang quarter o unang tatlong buwan ng 2024. Ayon iyan kay Department of Finance Secretary Ralph Recto. Sinusukat ang paglago ng ekonomiya gamit ang tinatawag na gross domestic product (o GDP) ng bansa. Ito ang halaga ng lahat ng produkto

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Cellphone ban?

 52,564 total views

 52,564 total views Mga Kapanalig, una nang pinlano ni Senador Sherwin Gatchalian na maghain ng isang panukalang batas na magbabawal sa mga estudyanteng gamitin ang kanilang cellphone habang nasa paaralan. Pero bago pa man ito maisabatas, hinimok niya ang Department of Education na magpalabas ng isang order para i-ban ang paggamit ng mga estudyante ng cellphone.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Damay ang medical profession

 59,271 total views

 59,271 total views Mga Kapanalig, pamilyar sa atin ang kuwento ng Mabuting Samaritano o Good Samaritan sa Lucas 10:25-37. Isang Samaritano ang tumulong sa isang lalaking naglalakbay na “hinubaran, binugbog, at iniwang halos patay na” ng mga tulisan. Binigyan niya ang lalaki ng paunang lunas at saka inihatid sa isang bahay-panuluyan upang maalagaan siya roon. Hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Manggagawang Pilipino

 74,064 total views

 74,064 total views Kapag buwan ng Mayo, ang unang bungad sa atin, kapanalig, ay ang labor day. Marapat lamang na ating tingnan ang maraming mga hamon na kinakaharap ng ating mga manggagawa. Sa kanilang mga balikat nakalagak ang ekonomiya ng ating bayan. Alam niyo kapanalig, ang isa sa mga perennial issues ng labor sector ay ang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Malnutrisyon

 80,220 total views

 80,220 total views Kapanalig, kapag usapang malnutrisyon, ang ating unang naiisip ay kapayatan at gutom. Ang larawan na bumungad sa ating isip sa usaping ito ay ang sobrang kapayatan pero malaki ang tiyan, tuliro ang itsura, at kabagalan sa pagkilos. Pero kapanalig, ang malnutrition ay hindi lamang undernourishment, sakop din nito ang overnourishment. Ang malnutrition, ayon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng Buhay sa Syudad

 41,539 total views

 41,539 total views Marahil isa sa mga dahilan kung bakit nauuso ngayon sa maraming pamilya ang pagbili ng mga farmlots o beach lots kahit ganito pa ito kaliit at kamahal ay dahil bumababa na ang kalidad ng buhay sa mga syudad habang tumataas naman ang lahat ng mga gastusin. Ngayong tag-init, mas ramdam din ng mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Trabaho sa kabila ng init

 52,123 total views

 52,123 total views Mga Kapanalig, kumusta kayo ngayong tag-init? Siguro, iba’t ibang paraan na ang nagawa ninyo upang ibsan ang napakataas na temperatura ngayon. Mayroon siguro sa inyong pumunta na sa beach para mag-swimming at sa mall para magpa-aircon. O kaya naman, panay ang kain ninyo ng halo-halo at ice cream para magpalamig. Samantala, may mga

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy ang pagyurak sa dignidad ng tao

 60,340 total views

 60,340 total views Mga Kapanalig, itigil ang patayan! Ito pa rin ang panawagan ng mga human rights groups at mga samahang naniniwala sa halaga ng buhay at diginidad ng tao. Dalawang taon kasi mula nang matapos ang administrasyong Duterte, na kilala sa madugong war on drugs, patuloy pa rin ang patayan sa mga komunidad sa ilalim

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Permanent interests

 44,573 total views

 44,573 total views Mga Kapanalig, may kasabihang sa pulitika raw, “There are no permanent enemies, and no permanent friends, only permanent interests.” Positibong pangungusap ito kung ang tinutukoy na interes ay ang interes ng taumbayan o ng mga taong pinaglilingkuran dapat ng mga namumuno sa pamahalaan. Ngunit dito sa Pilipinas, mas madalas na interes ng iilang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Resilient Education

 50,549 total views

 50,549 total views Kapanalig, kailangan maging resilient ng ating education sector. Ang resilient education kapanali, ay matibay at flexible. Sa ating bansa kung saan napakaraming mga sakuna ang dumadalaw taon-taon, napakahalaga na ang konseptong ito ay maging realidad. Kailangan ma-i-apply ito sa buong bansa sa lalong madaling panahon. Ang resilient education ay tumutukoy sa kakayahan ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Financial Inclusion

 53,642 total views

 53,642 total views Napakahalaga ng financial inclusion sa ating bayan. Kapag inclusive ang ating merkado at ekonomiya, mas maraming Pilipino ang maiaangat sa kahirapan. Kaya lamang, sa ating bayan, ang financial inclusion ay hindi nauunawaan ng marami nating kababayan. Ayon sa Bangko Sentral, ang financial inclusion ay isang estado o kalagayan kung saan ang tao ay

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Benepisyo ng Digital Technology

 43,347 total views

 43,347 total views Kapanalig, kapag sinabing digital technology, top of the head ang naiisip natin ay kadalasang may kaugnayan sa komunikasyon gaya ng ng internet. Ang lawak ng sakop nito, at tama lamang na tayong mga Pilipino ay maging mas maalam dito dahil napakaraming oportunidad ang nagbukas at nagbubukas pa dahil sa digital technology. Maski si

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alin ang mas matimbang?

 44,235 total views

 44,235 total views Mga Kapanalig, naghain noong isang linggo si Senadora Risa Hontiveros ng isang resolusyong inuudyukan ang Senado na imbestigahan ang pinsalang iniiwan ng mga mining at quarrying activities sa ating bansa.  Sa Senate Resolution No. 989, nais ng senadora na makita ang mga butas sa mga umiiral na batas na sanhi ng pagkamatay ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kultura ng pagpapanagot

 59,538 total views

 59,538 total views Mga Kapanalig, malaking balita ngayon sa kapitbahay nating bansa na Vietnam ang pagpapataw ng parusang kamatayan o death penalty sa isang real estate tycoon na napatunayang ginamit—o ninakaw pa nga—ang pera ng pinakamalaking bangko roon. Sa loob ng labing-isang taon, iligal na kinontrol ni Truong My Lan, chair ng isang real estate corporation,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Maging tapat sa taumbayan

 71,947 total views

 71,947 total views Mga Kapanalig, bakas kay Pangulong Bongbong Marcos ang kasiyahan matapos makipagpulong sa Amerika kina US President Joe Biden at Japan Prime Minister Fumio Kishida. Sa pakikipag-usap sa media, ibinida niya na ang pagtutulungan ng ating bansa sa Amerika at Japan ay magdudulot ng “brighter, more prosperous future” sa rehiyon. Aniya, matatag daw ang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top