Pagpapahalaga sa buhay, pagpapakita ng tunay na pag-ibig.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,738 total reads

Hindi tunay na pag-ibig ang pag-ibig na humahadlang sa buhay.

Ito ang mensahe ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ngayong ipinagdiriwang ang Araw ng mga Puso kasabay ng Pro-Life Sunday.

Ayon sa Obispo, mahalagang bigyang-pansin at igalang ang buhay ng bawat isa dahil ito ang nagpapakita ng tunay na simbolo at kahulugan ng pag-ibig.

Paliwanag pa ni Bishop Pabillo na hindi tunay ang pag-ibig ng isang tao kung ang layunin lamang nito’y hadlangan ang karapatang mabuhay na nagpapahiwatig naman ng pagiging makasarili at makasalanan.

“Ang tunay na pag-ibig ay nagdadala ng buhay. Kaya ang pag-ibig na pumipigil sa buhay ay makasarili, hindi tunay na pag-ibig,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat isa na dapat na mas itaguyod at unahin ang kahalagahan ng buhay sa halip na piliin ang pangsariling kagustuhan at kapakanan.

Ito’y dahil ang pagiging makasarili ay nag-uudyok upang hadlangan ang karapatan ng buhay at ipakita ang tunay na kahulugan ng pag-ibig na nauna nang itinuro sa atin ng Diyos na gawin sa kapwa.

“Kaya po ngayong Valentine’s day, i-promote po natin ang pag-ibig na nagbibigay ng buhay. Ang pag-ibig na responsable sa iba at hindi lang para sa sarili… Mas nauuna po ang buhay kaysa sa choice. At ang choice nga natin ay ginagamit natin upang i-promote ang buhay, hindi po upang hadlangan ang buhay.” ayon sa Obispo.

Ayon sa pahayag ng Kanyang Kabanalan Francisco, ang tunay na kahulugan ng pagmamahal ng Diyos ay iniaakay tayo upang higit pang maunawaan na ang pag-ibig ay ang kahulugan ng buhay.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 9,310 total reads

 9,310 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 23,788 total reads

 23,788 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 127,607 total reads

 127,607 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 168,165 total reads

 168,165 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 188,619 total reads

 188,619 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 236,487 total reads

 236,487 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,846 total reads

 133,846 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top