VeritasPH

The Word, The Truth

Kapag mahihirap ang pinapatay

SHARE THE TRUTH

 193 total views

Mga Kapanalig, noong namatay ang isang kilaláng flight attendant noong Enero, at kahit wala pang matibay na ebidensyang nagpapatunay na siya ay pinagsamantalahan at pinatay, mabilis pa sa alas kuwatro ang mga pulitiko sa pag-aalok ng pabuya sa mga makakahanap sa mga salarin. Karaniwan na ang ganitong pagtugon ng mga inihalal nating mga pinuno ng bayan kapag may nangyayaring high-profile na kaso ng pagpatay—mga pagpatay kung saan ang biktima ay masasabing hindi ordinaryong tao, kahit pa nga parang pinangungunahan nila ang kalalabasan ng imbestigasyon. Pagkakataon iyon para sa mga pulitikong ipakita ang para sa kanila ay agarang pagtugon sa isang krimeng pumukaw sa atensyon ng publiko at ng media.

Ngunit kapag mahihirap ang pinapatay—at malinaw ang mga ebidensyang sila ay pinatay—nasaan ang mga pulitikong ito?

Noong isang linggo—at pasintabi po sa mga kumakain—dalawang labinlimang taong gulang na binata ang natagpuang patay at palutang-lutang sa dagat malapit sa Isla Puting Bato, hindi kalayuan sa Parola Compound kung saan sila nakatira at isa sa mahihirap na komunidad sa Tondo dito sa Maynila. Malinaw ang bakas ng pagpapahirap kina Carl Justine Banogon at Chormel Buenaflor noong sila ay pinatay. Ibinalot ng tape ang kanilang mga braso at binti, nilaslas ang leeg, at tinadtad ng saksak ang ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan. Para raw nakatagpo ng demonyo ang kanilang mga anak, paglalarawan ng nagdadalamhating mga magulang. Katapusan ng Enero nang nagpaalam ang dalawang menor de edad na maglalaro ng basketball, ngunit hindi na sila nakauwi pa, hanggang sa matagpuan na lamang ang kanilang bangkay sa pampang ng Manila Bay. Gang war ang sinasabi ng mga pulis na posibleng motibo sa pagpatay sa dalawang menor de edad.



Nakapanlulumo ang sinapit nina Carl Justine at Chormel, at hangad nating makamit ng kanilang pamilya ang katarungan. Ngunit hindi sila pinapansin ng ating mga pulitiko. May narinig ba tayong nag-alok ng pabuya sa mga pumatay sa dalawang binatilyo sa Tondo? May nagpatawag ba ang pagdinig sa Kongreso upang imbestigahan ang mga pagkukulang ng mga tagapagpatupad ng batas? May mga narinig ba tayong mga nasa poder at maimpluwensyang mga personalidad na nagsalita at kumundena sa pagpatay kina Carl Justine at Chormel at sa marami pa nating kababayan—kabilang ang mga bata—na pinatay na parang mga hayop?

Namamalas natin sa ganitong mga pangyayari ang malinaw na pagsasantabi sa mga mahihirap. Ang kanilang pagkamatay ay para bang karaniwang pangyayari na lamang; sila ay mga biktimang mananatiling datos sa bilang ng mga naitatalang krimen at kinakalimutan na lamang ng media at hindi papansinin ng ating mga pinuno. Hanggang sa kanilang pagkamatay, biktima ang mahihirap ng kalupitan at hindi pagkakapantay-pantay sa ating lipunan. Sinasalamin nito ang sinasabi ni Pope Francis sa kanyang apostolic exhortation na Evangelii Gaudium na “throwaway culture,” isang uri ng pamumuhay kung saan may itinatakdang halaga sa bawat tao—may mas pinahahalagahan, may mga isinasantabi na lang at, ang masaklap pa, hindi na itinuturing na bahagi ng lipunan. Parang mga latak na itinatapon na lamang.

Ngunit sa mga pagkakataong mapakikinabangan ang mahihirap katulad ng eleksyon, doon lamang sila papansinin ng mga pulitiko. Sa mga pagkakataong nanganganib ang buhay ng mahihirap at naapakan na ang kanilang dignidad bilang mga tao, mistulang bulag, pipi, at bingi ang mga pulitiko. Ito ang kalakaran sa ating pulitika na dapat nang mabago. Sabi nga sa Mga Kawikaan 29:7, “Kinikilala ng matuwid ang karapatan ng mahirap, ngunit ito’y balewala sa mga taong swapang.”

Kaya, mga Kapanalig, taasan natin ang ating pamantayan sa pagpili ng mga lider ng bayan—piliin natin ang mga matuwid at kinikilala ang mahihirap.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 2,897 total views

 2,897 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 10,882 total views

 10,882 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 18,418 total views

 18,418 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 34,404 total views

 34,404 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 42,448 total views

 42,448 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 2,898 total views

 2,898 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 10,883 total views

 10,883 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 18,419 total views

 18,419 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 34,405 total views

 34,405 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 42,449 total views

 42,449 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,339 total views

 45,339 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,764 total views

 43,764 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,550 total views

 45,550 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,475 total views

 42,475 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,789 total views

 56,789 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,479 total views

 60,479 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,082 total views

 59,082 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,069 total views

 69,069 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,037 total views

 73,037 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,924 total views

 83,924 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top