Community based Solid Waste Management livelihood project, inilunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,411 total reads

Nasa 600 hanggang 800 Pamilya ang target na matulungan ng Caritas Manila sa Baseco Compound Manila kasabay ng kanilang proyekto na “Community –Based Solid Waste Management”.

Ayon kay Bonna Bello, kinatawan ng Caritas Manila sa Baseco Compound at Sto Niño de Baseco Parish,dalawang linggo nang umuusad ang kanilang proyekto na naglalayong magbigay ng hanap-buhay sa mga pamilya na naninirahan sa nasabing lugar. Sa pamamagitan ng pangongolekta ng basura at pagdadala nito sa ipinatayong Material Recovery Facility ng Caritas Manila, nagkakaroon ng kita ang mga mahihirap na pamilya at kasabay nito ay nakakatulong pa para sa adbokasiyang pangkalikasan.

Aminado si Bello, na maraming basura ang naiipon sa BASECO compound at malaking bilang ng populasyon ay umaasa sa pangangalakal.

“Nasa pangalawang linggo pa lang po kami ito po yun sa Solid Waste Management meron mga Nanay na sa bawat block sa Baseco na nangongolekta ng mga basura sa bahay-bahay. Ito po ay mga Nanay din na kasama ang anak nila sa feeding program [Caritas Manila] sila po ang nagkokolekta araw-araw tapos yun mga basura na kailangan itapon, tinatapon na po nila sa truck, yun pwede pa pakinabangan tinatabi nirere-cycle yun iba naman pwede ibenta ay nakakatulong sa kanila para meron silang pera makatulong sa pamilya nila at makabili ng pangangailangan sa bahay.” Pahayag ni Bello sa panayam ng programa Caritas in Action.

[smartslider3 slider=21]

Tiniyak naman ni Bello ang pag-iingat ng mga kalahok sa proyekto lalo na’t maaring makuha ang Covid19 sa mga basura.

“Lagi din po namin paalala ang kaligtasan ng kalusugan lalo na po para sa pamilya.”

Batay sa datos ng Philippine Solid Waste Management noong 2016 umaabot pa lamang sa 13,612 mula sa mahigit 42 libong kabuuang bilang ng mga Barangay sa Pilipinas ang mayroong Material Recovery Facility o MRF.

Samantala, tuloy din ang mga programa ng Caritas Manila sa Baseco kagaya ng urban gardening at ng una nang nabanggit na feeding program o pagpapakain sa mga bata na kulang sa timbang.

Isa ang Baseco Compound sa Tondo, Maynila sa may pinakamaraming natutulungan ng nasabing social arm ng Arkidiyosesis ng Maynila.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 15,526 total reads

 15,526 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 35,057 total reads

 35,057 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 137,194 total reads

 137,194 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 177,752 total reads

 177,752 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 198,206 total reads

 198,206 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 245,652 total reads

 245,652 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 108,561 total reads

 108,561 total reads Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top