Gabay ng Espiritu Santo, mahalaga sa kasalukuyang panahon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Higit na kinakailangan ng daigdig sa kasalukuyang panahon ang Espiritu Santo na ipinagkaloob ni Hesus sa sangkatauhan.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo kaugnay sa Kapistahan ng Pentecostes na pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostol 50-araw makalipas ang Linggo ng Muling Pagkabuhay.

Ayon sa Obispo na siya ring chairman ng CBCP-Episcopal Commission on the Laity, ang Espiritu Santo ay walang iba kundi ang Espiritu ni Jesus na nagdadala ng Espiritu ng katotohanan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang Espiritu Santo ay naghahatid ng ganap na kapayapaan dulot kapangyarihan na magpatawad.

[smartslider3 slider=21]

“Tungkol ito sa pagbibigay sa atin ng Espiritu Santo, na walang iba kundi ang Espiritu ni Jesus – ang hininga ni Jesus sa atin. Ito ay ang Espiritu ng Katotohanan. Ito ay nagdadala ng tapang. Ito ay nagdadala ng pagkakaisa at pagkaunawa sa mga gawa ng Diyos. Ito ay nagbibigay ng kapayapaan sa pamamagitan ng pagpapatawad. We need all these in our time.” pagninilay ni Bishop Pabillo.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na higit kinakailangan sa ngayon ng bawat isa ang katapangan na maihayag ang katotohanan tulad ng tapang na naipagkaloob sa mga apostol ng dumating ang Espiritu upang kanilang ibahagi ang mga turo ni Hesus.

Sinabi ng Obispo na mahalaga ang paggabay ng Espiritu Santo upang manaig ang katapangan sa bawat isa na manindigan sa katotohanan lalo na sa gitna ng mga pangamba at takot na idinudulot ng pandemya.

Tinukoy din ng Obispo ang mga maling paratang sa ilang mamamayan at talamak na pagbabahagi ng mga maling impormasyon na higit na nagdudulot ng kaguluhan at pagkakahati sa lipunan.

“We need truth in a time during which truth is being suppressed and falsehood is intentionally being spread. Kailangan natin ng tapang sa panahon na tayo ay naduduwag dahil sa pandemia at dahil sa pananakot sa atin. Madaling mapagbintangan na komunista, rebelde at drug coddler ang komokontra sa pamahalaan.” Dagdag pa ni Bishop Pabillo.

Giit ni Bishop Pabillo, mahalaga ang paggabay ng Espiritu Santo upang magkaroon ng ganap na pagkakaisa at pagtutulungan ang lahat lalo na sa gitna ng pagkakahati-hati na idinudulot ng iba’t ibang mga usaping panlipunan kung saan ang tanging nakikinabang ay iilan lamang.

Ayon sa Obispo, higit na maipapamalas ang pagkakaisa at pagtutulungan na ito lalo na sa papalapit na halalan sa susunod na taon kung saan dapat na mangibabaw ang pagmamalasakit, pagmamahal at pagsasakripisyo para sa bayan upang masupil ang mga may pansariling interes sa mga posisyon at katungkulan.

“We need unity when people are being divided by self-interests rather than the common good. This is true as the election fever is upon us. Let us be guided by what is good for the country rather than our petty party affiliations and our regionalisms.Talagang kailangan natin ng kapayapaan na bunga ng pagmamalasakit at pagsasakripisyo at hindi ng pagsupil sa mga kalaban.” Ayon pa kay Bishop Pabillo.

Inihayag ni Bishop Pabillo na ang Simbahan ay tulad ng katawan tao na binubuo ng iba’t-ibang bahagi na may iba’t-ibang gampanin.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Takót sa sariling multo

 38,225 total reads

 38,225 total reads Mga Kapanalig, nag-alangan pumasok si Vice President Sara Duterte sa Quezon City Regional Trial Court noong Setyembre 5 para maglagak ng piyansa isang

Read More »

AN INCUMBENT CONGRESSMAN

 145,535 total reads

 145,535 total reads Kapanalig, kung normal na sa bansa natin ang corruption na kinasasangkutan mismo ng mga halal na opisyal at pinuno ng mga ahensiya ng

Read More »

Fashion show sa baha

 190,203 total reads

 190,203 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 212,409 total reads

 212,409 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 247,724 total reads

 247,724 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top