Kanselasyon ng Obama-Duterte meeting, may implikasyon

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 273 total views

May implikasyon ang pagkansenla ni US President Barrack Obama sa kanyang pakikipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit sa Laos.

Duda si Political Science Prof. Ramon Casiple, na dahil dito, “under review” na ngayon ang relasyon ng Amerika sa ‘Duterte administration’.

Ayon kay Prof. Casiple, mas mabigat ito dahil ang naglabas ng kanselasyon ng nakatakdang pagpupulong ay ang US National Security Council na ‘body’ na nagdedesisyon ng mga ‘regime changes’.

“Mabuti sana kung kaaway mong bansa yan, kaya yung response medyo may tama yun yung cancellation, may implications immediately yun, duda ko yung relations with Duterte administration under review na ngayon, ang hint diyan yung naglabas ng cancellation ang national security council spokesperson, mabigat yun kasi yan ang body na nagde-decide ng mga regime changes, but review naman yan,” ayon kay Casiple sa panayam ng Radyo Veritas.

Kung natuloy sana ang nasabing pulong, ito ang kauna-unahang pagpupulong ng dalawang lider at pag-uusapan dito ang laganap na extrajudicial killings sa bansa na naging dahilan ng hindi magandang komento ni Duterte laban kay Obama.

Sa ulat ng Philippine National Police nasa halos 2,000 na ang insidente ng pagpatay na may kinalaman sa ilegal na droga kung saan mahigit sa 700 dito lehitimong operasyon ng pulisya.

Una ng binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco na bukod sa parusang kamatayan, hindi rin ito sang-ayon sa hatol na habambuhay na pagkabilanggo sa mga nagkakasala na ayon sa kanya ay laban sa dignidad ng tao at pagkakaroon ng pangalawang pagkakataon upang magbagong-buhay.

Samantala, sinabi ni Prof. Casiple na prayoridad ng administrasyon ngayon ang pakikipagkaibigan muli sa China upang malutas ang iba’t-ibang suliranin sa magkabilang panig gaya ng usapin sa South China Sea o West Philippine Sea.

“Well may definite na policy na i-resume ang pakikipagkaibigan sa China, kasi yun yung pundasyon ng usapan para malutas ang ibat-ibang usapin sa China lalo na ang South China Sea, like si dating president FVR pupunta ulit dun kung ano ang pwede mapagkasunduan, may effort talaga, bahagi ng diplomasya yan pero it does not mean bibitawan natin ang relasyon natin sa US wala tayong kakayahan na mang-away, kailangan magbubukas ka sa China sa framework ng pakikipagkaibigan, ayusin ang mga problema within the framework of relationship,” ayon pa kay Casiple.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 124,467 total views

 124,467 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 154,689 total views

 154,689 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 181,337 total views

 181,337 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 276,310 total views

 276,310 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 289,294 total views

 289,294 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 133,003 total views

 133,003 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 302,095 total views

 302,095 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top