Magsasaka at Mangingisda

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,025 total reads

Kapanalig, kung tunay nating nais na mawaksi ang kahirapan sa ating bayan, kailangan tulungan natin ang mga magsasaka at mangingisda ng bayan. Ang mga grupong ito ang lagi na lamang pinakamahirap sa ating lipunan. Noong nakaraang taon, nasa 31.6% ang poverty incidence sa mga magsasaka, habang 26.2% naman sa mga mangingisda.

Mas marami silang hamong kinakaharap ngayon sa ating bayan. Unang-una, climate change. Ang patuloy na pag-init ng mundo ay nagdadala ng mas malalakas na bagyo at mas mainit na tagtuyot na sumisira sa mga taniman at humahadlang sa pangingisda.

Ang malawakang land conversion ay nakaka-apekto rin sa kabuhayan ng mga magsasaka. Paliit ng paliit ang lupang kanilang masasaka. Simula 1988 hanggang 2016, tinatayang 97,500 hectares ng farmlands sa bansa ay hindi na nagliliyad ng basic food supplies. Marami sa kanila, naging subdibisyon na.

Maraming mga mangingisda din ngayon ay wala na ring mapagkunan ng isda- gaya ng ating mga mangingisda mula sa Zambales. Lagi na lamang silang pinag-babawalan ng mga Tsino na mangisda sa kanilang mga tradisyunal na fishing grounds.

Ang sitwasyon ng ating mga magsasaka at mangingisda ay kailangang bigyan ng komprehensibong tugon. Sa kanilang mga kamay nakasalalay ang katiyakan sa pagkain ng bansa. Hindi nararapat na naiiwan silang mag-isa sa paghahanap ng paraan upang maitaas ang kanilang produksyon. Kailangan nila ng suporta upang maharap nila ng buong lakas ng loob ang mga hamon sa kanilang mga sektor. Sa ngayon, sila ay wala na ngang disenteng kita, wala pang kapangyarihan o boses sa lipunan.

Kailangan ng transpormasyon sa kanilang mga sektor upang hindi sila maipit lagi sa laylayan ng lipunan. Hindi tunay na kaunlaran ang matatamo ng kahit anong bayan kung ang mga magsasaka at mangingisda ay laging maiiwan.  Ayon nga sa Laudato Si, “Our world has a grave social debt towards the poor.”  Obligasyon nating tiyaking lahat, lalo na ang mga maralitang magsasaka at mangingisda, ay may pagkakataong maka-ahon sa dusa.

Sumainyo

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 5,578 total reads

 5,578 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,194 total reads

 30,194 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,753 total reads

 70,753 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,236 total reads

 97,236 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 145,502 total reads

 145,502 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 166,222 total reads

 166,222 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 30,195 total reads

 30,195 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 70,754 total reads

 70,754 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 97,237 total reads

 97,237 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »
Scroll to Top