CHR, nakikiisa sa paggunita ng ika-15 anibersaryo ng death penalty abolition sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 544 total views

Nagpahayag ng pakikiisa at pakikibahagi ang Commission on Human Rights (CHR) sa paggunita ng ika-15 anibersaryo ng pagbuwag ng parusang kamatayan sa Pilipinas.

Ayon kay CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit, naaangkop lamang na kilalanin at pasalamatan ang pagsusumikap ng lahat na isulong ang abolition ng Death Penalty sa bansa 15-taon na ang nakakalipas.

“The Commission on Human Rights of the Philippines (CHR) is in solidarity with the human rights community in celebrating the 15th year anniversary of the abolition of the death penalty today, 24 June 2021. We celebrate the tremendous efforts of the different stakeholders who made this possible back then, and their continuing efforts to ensure that the death penalty remains abolished today.” ang bahagi ng pahayag ni CHR Commissioner Karen Gomez Dumpit.

Pagbabahagi ni Dumpit, nananatili ang paninindigan at posisyon ng kumisyon laban sa parusang kamatayan kung saan nasasaad sa Article II, Section 11 ng Pambansang Konstitusyon ng Pilipinas ang pagbibigay halaga sa dignidad at karapatang pantao ng bawat isa sa lipunan.

Paliwanag ng opisyal, ang death penalty o ang pagpapataw ng parusang kamatayan ay tahasang pagsasantabi sa dignidad at karapatan pantao.

“The position of the CHR, however, has always been against the death penalty. It is a State Policy under Article II, Section 11 of the Constitution to value the dignity of every human person and to guarantee respect for human rights. The death penalty, however, violates human dignity and runs counter to the principles of human rights. Thus, we maintain that the death penalty should have no place in a just, civilized and ordered society.” Dagdag pa ni Commissioner Dumpit.

Giit ni Dumpit maari ding makaapekto sa kredibilidad ng Pilipinas at magkaroon ng implikasyon sa iba pang mga kasunduan sa larangan ng ekonomiya at politika kung sisirain ng pamahalaan ang kasunduan sa ilalim ng Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabasura ng death penalty.

Taong 2006 ng opisyal na lagdaan ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang pagbuwag sa Death Penalty kung saan sa ilalim rin ng Administrasyong Arroyo ng nilagdaan ng Pilipinas ang Second Optional Protocol to the International Covenant on Civil and Political Rights na nagbabawal sa mga kaisang bansa na muling ibalik ang Capital Punishment na parusang kamatayan.

Una na ring nanindigan ang CBCP – Episcopal Commission on Prison Pastoral Care na hindi magbabago ang paninindigan ng Simbahan laban sa pagbabalik ng Death Penalty sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 96,829 total views

 96,829 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 127,052 total views

 127,052 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 153,701 total views

 153,701 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 248,674 total views

 248,674 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 263,368 total views

 263,368 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top