PNoy, binigyang parangal ng Diyosesis ng San Pablo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 803 total reads

Naghandog ng misa pasasalamat ang Diyosesis ng San Pablo para sa yumaong dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang Pasiyam o novena mass ay ginanap sa Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit bilang pagpaparangal at pagkilala sa paglilingkod ni PNoy para sa bansa.

Ayon kay San Pablo Vicar General Msgr. Jerry Bitoon – Rector at Parish Priest ng San Pablo Cathedral, bukod sa pag-aalay ng misa ay nagkaloob rin ng maikling programa bilang pag-alala sa naging buhay at mahalagang nagawa ng dating pangulo ng Pilipinas.

Paliwanag ng Pari ang mga alaala at mga nagawa ng taong nabuhay at namuno ng matuwid sa bayan ay dapat na tinutularan at ipagpatuloy.

“But they are not supposed to be memory in books, written in books or recorded, or just in our memory, kinakailangan ang kanilang simulain ay patuloy nating ipinapahayag, prinopromote, ipagtatanggol kung kinakailangan, ipaglalaban, tuloy ang laban ni PNoy,” ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Bitoon.

Pagbabahagi ni Msgr. Bitoon, bukod sa matuwid na pamumuhay ng dating Pangulong Aquino ay hindi rin matatawaran ang katapatan sa kanyang pangako sa kanyang ama at ina na pagpapatuloy sa kanilang mga nasimulan para sa bayan.

“If there is one characteristic of this man na talagang hahanga tayo is loyal siya sa ipinangako ng kanyang amang si Ninoy na itutuloy mo kung ano ang kanyang nasimulan, itinuloy niya ang naiwan ng kanyang inang Corazon Aquino, ang buhay ni PNoy ay alam natin ay hindi lamang siya sa kanyang mga magulang nagpahayag ng loyalty, kundi loyalty o fidelity to his state, to God,” dagdag pa ni Msgr. Bitoon.

Una ng pinasalamatan at kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang namayapang pangulo na naging katuwang ng simbahan sa mahahalagang gawain tulad ng Canonization ni Blessed Pedro Calungsod noong 2012, Apostolic Visit ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, at 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City noong 2016.

Si PNoy ay pumanaw sa edad na 61 noong June 24, dahil sa renal disease secondary to diabetes.

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,851 total reads

 11,851 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 28,767 total reads

 28,767 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 131,692 total reads

 131,692 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 172,250 total reads

 172,250 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 192,704 total reads

 192,704 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 240,429 total reads

 240,429 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,852 total reads

 11,852 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top