Katolikong paaralan at simbahan sa Archdiocese of Lipa, bubuksan na evacuation centers ng Taal evacuess

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 596 total reads

Maliban sa patuloy na aktibidad ng Bulkang Taal, lubhang ikinababahala ngayon sa lalawigan ng Batangas ang paglaganap ng ubo at sipon, at ilang acute respiratory infections.

Ito’y bunsod ng patuloy na pagbuga ng sulfur dioxide o asupre mula sa Bulkang Taal na lubha nang nakakaapekto sa kalusugan ng mga residenteng nasa evacuation centers.

Ayon sa huling ulat ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC), maliban sa pamimigay ng gamot at N95 facemasks, hinihikayat nito ang paglalaan ng masusustansiyang pagkain upang patuloy na palakasin ang resistensiya ng mga apektadong residente.

Batay sa tala ng LASAC, nadagdagan na ang bilang ng mga pamilyang nagsilikas, kung saan ito ay aabot na sa 495-pamilya o 1,992 katao na nananatili ngayon sa mga evacuation centers ng lokal na pamahalaan.

Samantala, nagsagawa naman ng pagpupulong kagabi ang LASAC kasama si Lipa Archbishop Gilbert Garcera para sa paghahanda sa mga katolikong paaralan at parokya na nagnanais at may kakayahang maglaan ng ligtas na silid-kanlungan para sa mga evacuees.

Ito’y dahil inaasahang sa mga susunod pang araw ay posibleng umabot na sa higit 18,886 ang bilang ng mga internally displaced persons o mga nagsilikas na residente, kung saan ito ay kinabibilangan ng nasa 4,616 na mga pamilya.

Para naman sa mga nais magpaabot ng kanilang tulong at donasyon, kinakailangan munang makipag-ugnayan sa LASAC at mga lokal na pamahalaan upang matiyak ang pagsunod sa mga itinakdang health protocols at maiwasan ang pagkukumpulan ng mga tao.

Patuloy namang nakaantabay ang social arm ng Arkidiyosesis ng Lipa, katuwang ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa sitwasyon ng Bulkang Taal.

Nakataas pa rin ito sa Alert Level 3, kung saan naitala ang 31 volcanic earthquakes, gayundin ang pinakamataas na antas ng pagbuga ng sulfur dioxide na umabot sa 14,699 tonelada kada araw.

 

Paglikas ng mga residente sa Batangas, nagpapatuloy

COMELEC, Tatalima sa Batas

 11,077 total reads

 11,077 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BSKE POSTPONEMENT

 27,110 total reads

 27,110 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 130,389 total reads

 130,389 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 170,947 total reads

 170,947 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 191,401 total reads

 191,401 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 239,175 total reads

 239,175 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 133,983 total reads

 133,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top