PNoy, binigyang parangal ng Diyosesis ng San Pablo

SHARE THE TRUTH

 548 total views

Naghandog ng misa pasasalamat ang Diyosesis ng San Pablo para sa yumaong dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Ang Pasiyam o novena mass ay ginanap sa Cathedral Parish of Saint Paul the First Hermit bilang pagpaparangal at pagkilala sa paglilingkod ni PNoy para sa bansa.

Ayon kay San Pablo Vicar General Msgr. Jerry Bitoon – Rector at Parish Priest ng San Pablo Cathedral, bukod sa pag-aalay ng misa ay nagkaloob rin ng maikling programa bilang pag-alala sa naging buhay at mahalagang nagawa ng dating pangulo ng Pilipinas.

Paliwanag ng Pari ang mga alaala at mga nagawa ng taong nabuhay at namuno ng matuwid sa bayan ay dapat na tinutularan at ipagpatuloy.

“But they are not supposed to be memory in books, written in books or recorded, or just in our memory, kinakailangan ang kanilang simulain ay patuloy nating ipinapahayag, prinopromote, ipagtatanggol kung kinakailangan, ipaglalaban, tuloy ang laban ni PNoy,” ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Bitoon.

Pagbabahagi ni Msgr. Bitoon, bukod sa matuwid na pamumuhay ng dating Pangulong Aquino ay hindi rin matatawaran ang katapatan sa kanyang pangako sa kanyang ama at ina na pagpapatuloy sa kanilang mga nasimulan para sa bayan.

“If there is one characteristic of this man na talagang hahanga tayo is loyal siya sa ipinangako ng kanyang amang si Ninoy na itutuloy mo kung ano ang kanyang nasimulan, itinuloy niya ang naiwan ng kanyang inang Corazon Aquino, ang buhay ni PNoy ay alam natin ay hindi lamang siya sa kanyang mga magulang nagpahayag ng loyalty, kundi loyalty o fidelity to his state, to God,” dagdag pa ni Msgr. Bitoon.

Una ng pinasalamatan at kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang namayapang pangulo na naging katuwang ng simbahan sa mahahalagang gawain tulad ng Canonization ni Blessed Pedro Calungsod noong 2012, Apostolic Visit ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, at 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City noong 2016.

Si PNoy ay pumanaw sa edad na 61 noong June 24, dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pakikiisa sa mga imigrante

 14,663 total views

 14,663 total views Mga Kapanalig, libu-libong taga-Amerika ang lumabas sa mga lansangan ng Los Angeles sa Estados Unidos bilang pagtutol sa mararahas na raids ng Immigration

Read More »

Lupain ng kapayapaan

 32,183 total views

 32,183 total views Mga Kapanalig, mahigit isang buwan nang Santo Papa si Pope Leo XIV. Noong Mayo 30, may ganito siyang pahayag: “the path to peace

Read More »

EARLY CHILDHOOD CARE AND DEVELOPMENT

 85,759 total views

 85,759 total views Napakaraming magagandang batas sa Pilipinas Kapanalig, pero marami sa mga ito ay hindi naipatupad ng maayos,palpak ang implementasyon… naging ugat ng katiwalian at

Read More »

4Ps ISSUES

 102,998 total views

 102,998 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 117,487 total views

 117,487 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Jerry Maya Figarola

Alay Kapwa Orientation program, inilunsad

 22,029 total views

 22,029 total views Inilunsad ng Caritas Philippines ang Alay-Kapwa Orientation program sa Diocese of Boac upang mapalalim at higit na mapalawig ang adbokasiya nito. Ito ay

Read More »

RELATED ARTICLES

Obispo, dismayado sa Duterte Senators

 24,806 total views

 24,806 total views Dismayado si Cubao Bishop Elias Ayuban Jr. CMF sa mga Senador na tahasang nagpahayag at nangako ng suporta kay Vice President Sara Duterte

Read More »
Scroll to Top