Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan at Gobyerno: Dapat magtulungan kontra droga

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 370 total views

Hindi magiging matagumpay ang kampanya kontra ilegal na droga ng gobyerno kung walang programa na paiiralin para sa mga sumukong drug dependent at nagbebenta ng droga.

Ayon kay Father Guilbert Villena, Order of Carmelites at mula sa San Isidro Labrador Parish, kinakailangan ng tumulong ang Simbahan sa anti-drug campaign ng gobyerno lalo’t kulang ang pasilidad para sa rehabilitasyon ng mga sumukong lulong sa droga.

Base sa pinakahuling ulat, may 700 libo na ang sumuko sa pulisya mula sa sinasabing 3.7 milyong addict at pusher sa bansa ayon sa ulat ng Malacanang.

Aniya, bagama’t sumuko na ang mga lulong at nagbebenta ng droga ay maaari pa rin ang mga itong bumalik sa kanilang dating gawain kung hindi matutugunan ang mga dahilan kung bakit sila nasangkot sa ilegal na gawain.

Trauma

Si Fr. Villena ang isa sa nagmisa sa nasawing maglive-in partner na si Vivian Ramos at Adrian Peregrino na binaril at namatay sa harap ng kanilang mga anak ng hinihinalang miyembro ng Caloocan Death Squad sa Camarin.

Kinumpirma rin ni Caloocan Police Chief Senior Supt. Johnson Almazan na kabilang ang mag-asawa sa drug watch list at sumuko sa Police Community Precinct 5 kaugnay na rin sa ‘Oplan Tokhang’.

Sinabi pa ng pari na bukod sa mga anak ng mga pinaslang, ilang mga residente rin ang nakakita sa pamamaril sa mag-asawa na nangangailangan din ng psycho-social intervention.

“Naghahanap pa kami ng pede tumulong para sa mga bata, 7 mga bata. May isa pang pamilya na nakita nila ang pagkapatay you have to reach out to these families, nakita rin nila ang pagpatay. Violence is violence,” ayon kay Fr. Villena sa panayam ng Radyo Veritas.

Sinabi pa ni Fr. Villena na karamihan sa mga biktima ay mula sa urban poor at may tatlo pang nakaburol sa Barangay Bagong Silangan.

May 1,045 na ang nasawing mga drug suspect sa legitimate operation na isinagawa ng pulisya, habang ang ilan ay sinasabing kagagawan ng mga ‘vigilante’.

Due process

Muli namang nanawagan si Fr. Villena na nawa ay umiral ang due process sa mga pinaghihinalaang sangkot at hindi dapat ilagay ang batas sa kanilang mga kamay.

“Sana mag-prevail yung rule of law, pagrespeto ng buhay. Huwag ilagay sa kamay ang batas dapat restoration, redemption, rehabilitation and not killings, violence is violence. Also di pang matagalan dapat talaga is to reach out kung paano matutulungan ng simbahan ang pamahalaan para sa rehabilitation program para sa kanila. Kailangang bigyan ng programa ng pamahalaan, livelihood of course. Di yung basta lang magsurender ano gagawin nila? So dapat talaga isama sa pangmatagalang programa,” dagdag pa ng pari.

Prayers

Binigyan diin din ni Fr. Villena na bukas ang simbahan para sa mga nais at nangangailangan ng sakramento lalo na ang misa, tiniyak din nito na kabilang ang mga nasawi sa mga prayer intention ng kanilang misa.

“We are willing to give mass, that is our duty and also we include them to mass intentions during our masses. Dapat lang ay ma-ischedule, ayon kay Fr. Villena. Giit pa ni Fr. Villena, kinakailangan talaga ang pagkilos ng simbahan hindi lamang sa panalangin tulad na rin ng proyektong inilunsad ng Diocese of Novaliches na pakikipagtulungan sa gobyerno para sa rehabilitasyon ng mga sumuko.

Inilunsad din ng Diocese of Novaliches ang Summit Meeting on Church’s Response to War on Drugs bilang tugon sa problema ng ilegal na droga na kinakaharap ng bansa.

Una na ring nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at maging si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle na kaisa ng gobyerno, tutol din ang simbahan sa ilegal na droga na sumisira sa pamilya at komunidad.

Sa kabila nito, hiling din ng simbahan ang pag-iral ng batas at ang pagtutol sa extra judicial killings para na rin sa kapakanan ng mga inosenteng naisasangkot sa krimen.

Sa kasalukuyan ay naghahanda na rin ang Caritas Manila, katuwang ang Caritas Restorative Justice Ministry, Center for Family Ministries (CEFAM), at mga ahensya ng gobyerno tulad ng Social Welfare and Development, Interior and Local Government para tugunan ang mga kinakailagang programa sa mga sumuko at susuko pang drug suspects.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 86,891 total views

 86,891 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 154,379 total views

 154,379 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 175,444 total views

 175,444 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 196,182 total views

 196,182 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 226,382 total views

 226,382 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 116,908 total views

 116,908 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 292,180 total views

 292,180 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top