Archdiocese of Jaro, nagpaabot ng pagbati kay CBCP President Bishop David

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,036 total reads

Nagpaabot ng pagbati ang Archdiocese of Jaro sa bagong halal na pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na si Caloocan Bishop Pablo Virgilio David.

Sa pangunguna ni Jaro Archbishop Jose Romeo Lazo ay tiniyak ng buong arkidiyosesis ang suporta sa bagong misyon at tungkulin ni Bishop David bilang pangulo ng kalipunan ng mga Obispo sa Pilipinas.

Bukod sa suporta tiniyak rin ng Archdiocese of Jaro ang pananalangin para sa Obispo na kasalukuyang nagsisilbi bilang Vice President ng kalipunan sa loob ng dalawang termino o apat na taon.

“Archbishop Jose Romeo O. Lazo, D.D. and the faithful of the Archdiocese of Jaro congratulate His Excellency, Most Rev. Pablo Virgillo S. David, D.D. Bishop of Kalookan, in his election as the new CBCP President! We assure him of our prayers and support in his new mission in the Catholic Church in the Philippines. Our cordial greetings and prayers on your election, Bishop Ambo!” Ang bahagi ng pagbati ng Archdiocese of Jaro.

Samantala, hinirang naman na Vice President ng CBCP si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara na kasalukuyang kasapi ng CBCP Permanent Council.

Naihalal ang bagong president at vice president ng CBCP kasabay ng unang araw ng virtual plenary assembly ng kalipunan ng mga Obispo na binubuo ng may 130-Obispo mula sa iba’t ibang diyosesis sa buong bansa.

Pormal namang magsisimula ang dalawang taong panunungkulan ng mga bagong halal na opisyal ng kalipunan sa unang araw ng Disyembre ng kasalukuyang taong 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

FILIPINO’s RUNNING OUT OF PATIENCE

 94,079 total reads

 94,079 total reads Kapanalig, hindi makakausad ang bansa kung ang mga mamamayan nito ay hirap na hirap maka-survive, habang ang mga inaasahang lider na pinagkakatiwalaang mamuno

Read More »

SCRIPTED NONSENSE

 177,109 total reads

 177,109 total reads Kapanalig, ano ang napapansin niyo sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte? Sa simula pa lamang ng impeachment trial, pinapalutang

Read More »

Battered woman syndrome

 271,439 total reads

 271,439 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 333,123 total reads

 333,123 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 374,477 total reads

 374,477 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top