Mga Ilog ng Metro Manila

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,462 total views

Kapanalig, ang kasalukuyang henerasyon ay hindi na nagisnan ang angking ganda ng mga ilog ng ating bayan, lalo na ang mga ilog sa Metro Manila.

Ang mga kabataan ngayon, napag-aaralan na lamang sa kanilang mga textbooks ang ukol sa kasaysayan ng ating mga ilog, gaya ng Ilog Pasig. Ito ay naging sentro ng kalakalan at komersyo noon. Ang ilog na ito ay backbone ng sinaunang Metro Manila, at dito, sa makasaysayang katawang tubig na ito, nagbinhi ang ating mega-city, na bunga ng halo halong kultura ng mga sinaunang mamamayan na namuhay at nabuhay sa biyayang dala ng ilog.

Ang Marikina River naman, kapanalig, ay tahimik na testigo din sa makulay na kasaysayan ng Metro Manila, partikular na sa Marikina, na dati’y kasama sa lalawigan ng Rizal. Ang Marikina ay dati’y napakalaking sakahan na kinakalinga ng ilog. Gaya ng Marikina, ang San Juan River ay napapalibutan rin ng taniman, at sa paglipas ng panahon, binago ng urbanisasyon ang ilog at paligid nito.

Nakakalungkot isipin, kapanalig, na ang mga ilog na ito ay ngayo’y tinuturing na biologically dead. Noong 2004, ang mga ilog ng Pasig, San Juan, at Marikina, kasama ang Navotas-Malabon-Tenejeros-Tullahan (NMTT) River at Parañaque River ay tinaguriang biologically dead ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Bakit nga ba nangamatay ang mga ilog na ito?

Polusyon, kapanalig, ang pangunahing rason. Sa dami ng polusyon sa ating katawang tubig, nawawalan na ng oxygen dito at pinatay na ang mga hayop at halamang namumuhay sa ilog. Ngayon, dahil sa dumi, hindi na kayang sumuporta ng buhay ang ating mga ilog.

Ang basura rin ng mga mamamayan na naninirahan malapit sa mga ilog na ito ay bumabara sa alloy ng ilog. Ilang beses na ba nakakuha ng kutson, sirang electric fan, at mga sapatos tuwing may mga river clean up drives? Ang mga kompanya din na malapit sa ilog ay nagdadala ng polusyon sa ating mga katubigan.

May pag-asa pa naman kapanalig. Maari pang ma-revive o mabuhay ulit ang mga ito kung sama sama nating pagtutulungan ang paglilinis nito. Kailangan natin ma-maximize ang kakayahan ng nasyonal at lokal na gobyerno at ang kanilang political will upang mabigyang buhay muli ang ating mga ilog. Ang kanilang kalusugan ay magiging senyales din ng panibangong buhay at pag-asa sa unti unting nasisirang kapaligiran ng Metro Manila.

Maging gabay natin ang mga pahayag ni Pope Francis sa Laudato Si, na bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan: There is a growing sensitivity to the environment and the need to protect nature, along with a growing concern, both genuine and distressing, for what is happening to our planet… Our goal is not to amass information or to satisfy curiosity, but rather to become painfully aware, to dare to turn what is happening to the world into our own personal suffering and thus to discover what each of us can do about it.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,749 total views

 41,749 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,901 total views

 64,901 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 135,015 total views

 135,015 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,629 total views

 209,629 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 286,626 total views

 286,626 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 41,750 total views

 41,750 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 64,902 total views

 64,902 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 135,016 total views

 135,016 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 209,630 total views

 209,630 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top