Nutrisyon sa Panahon ng Krisis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 493 total reads

Panaghoy ni Pope Francis sa Evangelii Gaudium: “I beg the Lord to grant us more politicians who are genuinely disturbed by the state of society, the people, the lives of the poor! It is vital that government leaders and financial leaders take heed and broaden their horizons, working to ensure that all citizens have dignified work, education and healthcare.”

Kapanalig, ang panaghoy na ito ay binubulong din ng maraming magulang ngayon, dahil marami sa kanila ay hindi na kinakaya na mabigyan pa ng sapat na nutrisyon ang kanilang mga supling. Noong nakaraang taon, nakita sa sa isang pagsusuri ng Department of Science and Technology ang tunay na sitwasyon ng nutrisyon at katiyakan sa pagkain sa panahon ng COVID-19 pandemic. 62% ng kanilang mga na-survey na indibidwal ay nakaranas ng moderate to severe food insecurity. Para lamang makakain, 71.8%  ng mga tumugon sa survey ay bumili ng pagkain sa pamamagitan ng pangungutang o credit, 66.3% ay nanghiram sa kamag-anak o kapitbahay, at may 30.2% naman ang nakipag-barter.

Nakapaka-hirap para sa ating bayan mawaksi ang problema sa nutrisyon. Ayon sa World Bank, halos walang nagbago sa problema ng nutrisyon sa bayan sa loob ng tatlumpung taon. Isa sa tatlo o 29%  pa rin ng mga batang may edad lima pababa sa ating bayan ang “stunted” o maliit para sa kanilang edad. Panglima tayo sa mga bansa sa East Asia and the Pacific na may pinakamaraming stunted na bata. Isa rin tayo sa sampung bansa sa buong mundo na may pinaka-mataas na bilang ng mga batang stunted.

Agarang aksyon, kapanalig, ang kailangan dito. Mas matagal nang problema ang gutom at nutrisyon sa bansa kaysa sa droga, pero hindi man lang ito na-prayoridad ng pamahalaan. At habang pinatatagal natin ito, mas lalo nating pinalalala. Sa sa pagpapabaya, ang kinabukasan natin ang nakataya.

Ang problema sa nutrisyon at sapat na pagkain ay hadlang sa kaunlaran ng bansa. Pakatandaan sana natin na ang maayos na nutrisyon ay pundasyon ng ekonomiya ng bayan. Kung wala ito, walang kikilos para sa kinabukasan ng bansa. Sinisira nito ang pinaka-mahalagang kayamanan ng ating bayan – ang ating human resources.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 8,811 total reads

 8,811 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 132,070 total reads

 132,070 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 182,434 total reads

 182,434 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 309,492 total reads

 309,492 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 394,628 total reads

 394,628 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Hindi krimen ang magprotesta

 8,812 total reads

 8,812 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 132,071 total reads

 132,071 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 182,435 total reads

 182,435 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 309,493 total reads

 309,493 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »
Scroll to Top