Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gawing simula ng pagbabago ang boto sa 2022 national election, panawagan ng Caritas Philippines sa mga botante

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 584 total views

Naniniwala ang social action arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na mahalaga ang pagkakaroon ng ganap na pag-unawa ng taumbayan sa tunay na sitwasyon ng bansa sa kahalagahan ng 2022 national election.

Ito ang binigyang diin ng Caritas Philippines sa kahalagahan ng boto ng bawat mamamayang Pilipino para sa kinabukasan ng bansa.

Sa pamamagitan ng Good Governance Webinar on National Situation – the context of our Vote in the 2022 Elections ay ibinahagi ni IBON Executive Director Sonny Africa ang kasalukuyang socio-economic at political situation sa bansa na kinakailangan ng agarang pagbabago at pagtugon para sa kapakanan ng taumbayan.

Ayon kay Africa, malaki ang epekto ng kasalukuyang sitwasyon ng ekonomiya at pulitika sa bansa sa pangkabuuang aspekto ng buhay ng mga Pilipino na hindi dapat isantabi at baliwalain ng sinuman.

Kaugnay nito, naniniwala si Msgr. Meliton Oso, Director ng Jaro Archdiocesan Social Action Center (JASAC) na nagsilbing reactor sa naganap na Good Governance Webinar ng Caritas Philippines na bukod sa vote buying ay ang paglaganap ng fake news ang isang problema tuwing halalan sa bansa.

“Ang problema natin sa election, vote buying at saka fake news, so number one enemy natin siguro is mis-information,” ang bahagi ng pahayag ni Msgr. Meliton Oso.

Paliwanag ng Msgr. Oso, dahil sa mga maling impormasyon ay hindi nagkakaroon ng sapat na batayan ang taumbayan upang makabuo ng isang naaangkop at matalinong desisyon para sa kinabukasan at kabutihan ng buong bayan.

“Fake and lies are concocted to deceive the public, they confuse the public, disempower them from making informed decision,” dagdag pa ni Msgr. Oso.

Iginiit ng Caritas Philippines na kaakibat ng pagmamalasakit sa kapwa at sa kinabukasan ng bayan ay ang pakikilahok sa mga usaping panlipunan partikular na ang nakatakdang
halalan.

Binigyang diin naman ng Caritas Philippines na ang unang hakbang upang maging isang ganap na botante ay ang pagpaparehistro sa patuloy na isinasagawang voters’ registration ng Commission on Elections na magtatagal na lamang hanggang sa ika-30 ng Setyembre, 2021.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

A WAY TO LATE?

 17,883 total views

 17,883 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Sapat na kanin sa mesa

 34,491 total views

 34,491 total views Mga Kapanalig, hindi maaaring mawala ang kanin sa mesa ng bawat pamilyang Pilipino, kaya mahalagang tiyaking sapat ang suplay ng bigas sa mga

Read More »

Ang pinsala ng pagkalimot

 44,453 total views

 44,453 total views Mga Kapanalig, ibinasura ng Special Division ng Sandiganbayan ang natitirang asset claims sa isa sa mga forfeiture cases laban sa yumaong diktador na

Read More »

Andaming sumasawsaw

 122,101 total views

 122,101 total views Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga naiwang pamilya ng dalawang student-athletes ng Ateneo na nalunod at namatay habang nasa isang team-building activity (na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 5,299 total views

 5,299 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top