Compliance fatigue, nararanasan na sa patuloy na pag-iral ng pandemya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 587 total reads

Higit nang nakakaapekto sa kalusugang pangkaisipan ng mga tao ang muling pagtaas ng kaso ng coronavirus disease sa bansa.

Ito rin ang dahilan ng pagkawala ng tiwala ng mamamayan sa pagsunod sa mga ipinapatupad na alituntunin bilang pag-iingat sa banta ng COVID 19.

Ayon kay Fr. Victor Sadaya, CMF, Executive Director ng Porta Coeli Center for Psychotrauma Management and Counseling, nararanasan na ngayon ng mga tao ang “compliance fatigue syndrome” o ang pagkapagod sa patuloy na pagsunod sa health protocols na ipinapatupad ng mga otoridad.

“Understandable [na] ‘yong mga tao ngayon ay may tinatawag na ‘yong compliance fatigue. Pagod na yung mga tao sa kaka-comply kasi dahil nga dito sa nahaharap na banta ng COVID ngayon, naiintindihan naman natin na ‘yung mga tao na ganito ang kanilang reaction,” bahagi ng pahayag ni Fr. Sadaya sa panayam ng Radio Veritas.

Tinukoy ng Pari ang pagsunod ng publiko sa mga panuntunan ng pamahalaan tulad ng pabago-bagong community quarantine sa iba’t ibang lugar sa bansa, maging sa mga health and safety protocols tulad ng pagsusuot ng face mask at face shield.

Gayunman, ipinaliwanag ni Fr. Sadaya na dapat ding maintindihan ng mamamayan na kailangan talagang seryosohin ang mungkahi ng mga eksperto upang mapanatiling ligtas ang bansa sa virus lalo na sa Delta variant.

Sinabi rin ng Pari na dapat na talagang matanggap ng mga tao ang katotohanang mahirap nang ibalik sa normal ang sitwasyon ng kapaligiran dahil sa patuloy na epekto ng krisis pangkalusugan.

“Magkaroon tayo ng bagong mindset o bagong pananaw na hangga’t maaari, huwag na natin talagang isipin na bumalik sa dati… Kaya nga may tinatawag tayo na ‘new normal’ kasi this virus might really take time,” saad ni Fr. Sadaya.

Batay sa tala ng National Center for Mental Health (NCMH) Crisis Hotline, umabot na sa 400 tawag ang kanilang natatanggap kada buwan na nangangahulugan ng patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nakakaranas ng depresyon sa bansa ngayong pandemya.

Umiiral sa kasalukuyan sa National Capital Region at anim na lalawigan ang General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions na matatapos sa ika-5 ng Agosto.

Habang muli namang isasailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang NCR simula Agosto 6 hanggang 20.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 112,876 total reads

 112,876 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 250,752 total reads

 250,752 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 366,528 total reads

 366,528 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 482,437 total reads

 482,437 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 243,983 total reads

 243,983 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top