Archdiocese of Manila, ipinagpaliban ang lahat ng pampublikong Misa hanggang matapos ang ECQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 610 total views

Ipinagpapaliban ng lahat ng mga parokya sa Metro Manila ang pagdaraos ng pampublikong Misa hanggang sa August 20.

Ito ay kaugnay na rin sa ipinatutupad na mahigpit na panuntunan ng community quarantine sa National Capital Region.

Simula kahapon hanggang August 5, umiiral ang general community quarantine with heightened restrictions sa NCR at anim na pang mga lalawigan.

Sa August 6 hanggang 20, ipinag-utos ng Inter-Agency Task Force ang pinakamahigpit na quarantine status, ang Enhance Community Quarantine (ECQ).

“Starting tomorrow, July 31, virtual Masses only until August 20, except for funeral and wake Masses with limited people. Baptisms and weddings should also be rescheduled,” ayon kay Fr. Reginald Malicdem, Chancellor ng Archdiocese of Manila.

Bagama’t pinapayagan ang Misa at pagbabasbas para sa mga patay, limitado lamang ang papayagang makadalo.

Sa ilalim ng ECQ, limitado ang papayagan makalabas ng tahanan kabilang na ang pagbili sa mga pangunahing pangangailangan at serbisyo.

Bukod sa Archdiocese of Manila, naglabas na rin ng mga pabatid kaugnay sa pagbabawal ng pagdiriwang ng pampublikong misa ang mga Diyosesis ng Cubao, Novaliches, Pasig, at Paranaque.

Ang mga mananampalataya ay hinikayat na pansamantalang makiisa sa pagdiriwang ng Banal na Eukaristiya sa pamamagitan ng live streaming sa social media tulad ng Facebook at YouTube.

Apat na online Masses naman ang mapapakinggan sa Radio Veritas 846 at mapapanood sa official Radio Veritas Facebook page na Veritas846.ph tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali, alas-6 ng gabi at alas 12-ng hatinggabi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 56,659 total views

 56,659 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 100,267 total views

 100,267 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 183,510 total views

 183,510 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 196,386 total views

 196,386 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

11-member prosecution panel, buo na

 7,183 total views

 7,183 total views Pormal nang binuo ng Kamara de Representantes ang 11-miyembrong prosecution panel na hahawak sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte sa

Read More »
Scroll to Top