Pampublikong misa sa Diocese of Novaliches, suspendido

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,652 total reads

Tiniyak ng Diocese of Novaliches ang pakikibahagi ng diyosesis sa ipinatutupad na pag-iingat ng pamahalaan mula sa pinangangambahang pagkalat ng Delta variant ng COVID-19 virus sa bansa.

Sa pamamagitan ng isang liham sirkular ay inanunsyo ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang pansamantalang pagsususpendi ng pagsasagawa ng public masses sa buong diyosesis mula ika-31 ng Hulyo hanggang ika-20 ng Agosto.

Nasasaad sa Circular 2021-09 ang pagsasagawa ng virtual masses sa buong diyosesis kung saan hinihikayat ang lahat na makibahagi sa pamamagitan ng pagsubaybay sa Online Livestreaming ng mga banal na misa ng iba’t ibang mga parokya sa diyosesis.

Ayon kay Bishop Gaa, ang naturang hakbang ay bilang tugon na rin sa implementasyon ng General Community Quarantine with heightened restrictions sa National Capital Region mula ngayong ika-30 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto na mas higit namang hihigpitan pa sa pagsasailalim sa NCR sa dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ) mula ika-6 hanggang ika-20 ng Agosto bilang pag-iingat mula sa banta ng Delta variant ng COVID-19.

Bukod sa pagsusupendi ng public masses sa buong diyosesis, inihayag rin ni Bishop Gaa ang pansamantalang pagpapaliban sa nakatakdang Diocesesan Clergy Renewal at Chrism Mass sa diyosesis na nakatakda sana sa ika-3 at ika-4 ng Agosto.

Hinikayat naman ng Obispo ang bawat mananampalataya na samantalahin ang dalawang linggong implementasyon ng ECQ sa National Capital Region upang manalangin at magdasal ng Santo Rosaryo para sa kaligtasan ng lahat at upang tuluyan ng mawakasan ang COVID-19.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 28,013 total reads

 28,013 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 64,276 total reads

 64,276 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 290,546 total reads

 290,546 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 184,013 total reads

 184,013 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 276,586 total reads

 276,586 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top