Aninag ng liwanag ng katarungan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 484 total views

Mga Kapanalig, naaalala pa ba ninyo ang kaso ni dating Police Staff Sergeant Jonel Nueza?

Siya ang dating pulis na bumaril sa mag-inang Sonia Gregorio at Frank Anthony limang araw bago mag-Pasko noong nakaraang taon sa Paniqui, Tarlac. Binaril sila matapos ang mainit na pagtatalo dahil sa paggamit ng boga, isang uri ng pampaingay tuwing Kapaskuhan. Nakunan ng video ang karumal-dumal na krimen at agad itong kumalat sa social media. Nagtamo ng tama sa ulo ang nanay habang yakap-yakap ang kanyang anak, na binaril din sa ulo.

Noong isang linggo, napatunayan ng korteng guilty sa dalawang kaso ng murder si Nuezca. Hinatulan siya ng reclusion perpetua o apatnapung taong pagkakabilanggo para sa bawat kaso. Iniutos din ng korte na magbayad ang dating pulis ng halos isang milyong piso sa naiwang pamilya nina Sonia at Frank Anthony. Ikinalugod ng pamunuan ng Philippine National Police (o PNP) ang anila’y mabilis na paggawad ng katarungan sa mag-ina at kanilang naulilang pamilya. Para kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, patunay ang mabilis na paglabas ng hatol ng korte na “umiiral ang hustisya sa ating bansa at kailanman ay hindi kinukunsinti ng [PNP] ang ganitong uri ng pulis.”

Aninag ng liwanag ng katarungan ang balitang ito. Maging paalala rin sana ito sa ating mga tagapagpatupad ng batas na tungkulin nilang pangalagaan ang buhay ng mga Pilipino, hindi ang magpalaganap ng takot at ang pagbantaan ang ating buhay. Akmang paalala para sa kanila ang nasasaad sa Mateo 5:9: “Mapalad ang mga nagtataguyod ng kapayapaan, sapagkat sila ay ituturing na mga anak ng Diyos.” Naniniwala tayong mayroon pa ring mga matitinong pulis—mga pulis na gumaganap sa kanilang tungkuling panatilihin ang kapayapaan sa ating bayan, mga pulis na gumagalang sa buhay ng kanilang kapwa, mga pulis na tapat na naglilingkod para sa kapakanan ng lahat.

Ngunit umaasa tayong magiging mabilis din ang paggawad ng katarungan sa iba pang biktima ng mga pulis na gumagawa ng baluktot na mga gawain. Malaking tulong sa pagdinig sa kaso ni Nuezca ang video na nakunan at ang salaysay ng kumuha nito. Paano naman ang mga kasong walang matibay na ebidensya at hindi naibabalita? Paano ang mga pagpatay na walang mga nakasaksi? Paano ang mga pang-aabusong hindi nakukunan ng camera at nagmistula nang kalakaran ng mga pulis? Napakaraming mga ganitong kaso, lalo na sa ilalim ng nagpapatuloy na giyera ng pamahalaan laban sa droga.

Katulad sa ibang sektor at institusyon, malalim ang ugat ng pag-abuso sa kapangyarihan sa ating pulisya. At hindi lamang ito tumindi sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, bagamat kung inyong maaalala, sinabi noon ni Pangulong Duterte na kung makapapatay ng sanlibong tao ang mga pulis sa pagtupad nila ng kanilang tungkulin, poprotektahan daw niya sila.

Ang paggamit ng karahasan ng ating mga tagapagpatupad ng batas ay masasabing salamin ng ating pagpapahalaga sa buhay at dignidad ng tao, mga bagay na pinahahalagahan natin sa pananampalatayang Kristiyano. Sabi nga sa Catholic social teaching na Mater et Magistra, ang buhay ng tao ang pundasyon ng anumang panlipunang institusyon, katulad ng polisya. Sa ibang bansa nga, may mga panawagang buwagin ang pulisya dahil nagiging instrumento sila ng karahasan at lumalabag mismo sa dangal ng buhay ng tao. Hindi pa naman tayo umaabot sa ganitong punto, at huwag naman sana.

Mga Kapanalig, kasabay ng ating pagdarasal para sa mga pulis, manatili tayong mapagmatyag sa kanilang mga ginagawa. Bilang mga lingkod-bayan, bahagi sila ng isang panlipunang institusyong naatasang pangalagaan ang lahat; magkamali ang isa sa kanila, tiyak na madadamay ang lahat. Bilang mga mamamayan, tungkulin nating bantayan sila at huwag hayaang abusuhin ang awtoridad na iniatang natin sa kanila.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 88,306 total views

 88,306 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 118,529 total views

 118,529 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 145,178 total views

 145,178 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 240,151 total views

 240,151 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 255,359 total views

 255,359 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 88,307 total views

 88,307 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 118,530 total views

 118,530 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 145,179 total views

 145,179 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 240,152 total views

 240,152 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top